CHAPTER 10 Quote: In love there is no fear

11 2 0
                                    

Nathan's P.O.V
pumunta kaya ako sa labas palamig lang. pumunta ako sa lugar namin ni papa nung bata pa ako.
"Pa! Bakit mo kami iniwan!" sigaw ko sa hangin,
"hayyyss... Bakit kasi ang daming makukulit ngayon!" may babaeng bumulong, sino naman yun? sumilip ako at nakita ko si irene.
"Hoy! bakit ka galit?" sabi ko.
"Huh.?!" hahaha halatang gulat na gulat siya.
"bakit gulat na gulat ka? para kang nakakita ng multo Hahahahah!"
"Huh? hindi , nakaka ano ka kasi ee, bigla bigla kang sumusulpot!" sabi niya. ang taray hahahaha.
"Dito naman talaga ako pumupunta lagi ee. bata pa lang ako ng dalhin ako ng papa ko dito. pag nagagalit si mama nag tatago kami ni papa dito at maganda din dito. peaceful pero paminsan ayokong makita o puntahan itong lugar na ito dahil naaalala ko lang si papa." sabi ko.
"san na ba papa mo? akala ko papa mo si tito nico."
" ah. wala na siya. he died when i was 5 years old. and si tito nicco tatay siya ni nathalie."
"ah sorry for your dad."
"ahh.. hindi, okay lang." sabi ko. nag smile siya at nag smile din ako.
"halika na baka hinahanap na nila tayo."
"sige." sabi ni irene. tumayo na kami at nag simula ng mag lakad. malayo palang kami nakitta na kami ni tita.
"anak, san ka ba nanggaling?" sabi ni tita kay irene
"naligaw po kasi ako, buti na lang andun po si nathan."
"ayy salamat nathan."
"okay lang po yun." sabi ko.
"kain na tayo! mare! mga anak!" sabi ni mama.
"ma! ano pong pagkain?" sabi ni nathalie.
"kare-kare,adobo,porksteak." sabi ni mama. umupo na kaming lahat. sa left ko si nate, sa right naman si ate narissa. kaharap ko si irene.
"mag dasal muna tayo." sabi ni tita. nag dasal kami at pag katapos mag dasal, kumain na.
"Btw, anak pinagusapan namin ng tita nicole mo na pareas kayo ng school nila nathan." sabi ni tita alessandra.
"ma, alam ko na po yan. ganyan naman lagi eh. kahit wag mo na sabihin, alam ko na po." sabi ni irene. tumawa si mama.
"at anak, mamili ka na jan kay nathan o nate." sabi ni tita.
"ma naman ehh! ako nanaman! pwede naman si chelle na lang."
"bakit ako?!" pag tataka ni chelle.
"irene, niloloko ka lang naman ng mama mo." sabi ni mama.
"okay po." sabi ni irene at sinipa ko si irene.
"bakit?" sabi niya ng walang sound. kinindatan ko siya, Hahahah ang cute niya talaga. ang sarap galitin hahahaha.
"anong problema mo?" sabi niya ulit ng walang sound at hindi na ako tumingin sa kanya.

maya maya pag tapos kumain pumunta ako sa may dagat. nag iisip kung pano ko ba sasabihin kay irene yung feelings ko para sakanya. hayss bakit kasi ang torpe ko.? bigla ko na kita si irene medyo. malayo siya. lumapit ako at may hawak siyang ukelele at kumakanta, ang ganda ng boses lalo akong nainlove.
"galing naman!" sabi ko.
"huh?!" sabi ni irene. hahah nagulat nanaman siya, ang cute talaga.
"sabi ko, ang galing mo. kanino mo natutunan yan?" sabi ko.
"magaling naman talaga ako." ang galing mo at ang ganda pa kaya nainlove ako sayo ee. aalis na sana siya ng hawakan ko siya sa braso niya.
"bakit?" tanong niya.
"dito ka muna sa tabi ko, samahan mo muna ako." sabi ko at umupo siya.
"bakit ganon may mahal ako pero hindi ko masabi sakanya. bakit ako natatakot." sabi ko at tinignan niya ako. uy wag ganyan! baka matunaw ako. lumapit siya ng konti.
"bakit sino ba yung lucky girl na yan?"
"Huh? wala.. wala sige una na ako." sabi ko. ugh kinabahan ako bigla. hayss irene ikaw.. ikaw yung babaeng mahal ko. hindi ko lang masabi...

pag pasok ko sa hotel nakasabay ko si louis.
"pre, san ka punta?"
"dun lang" sabi ni louis. pumasok na ako sa elevator ng makita ko si louis hinila si irene.
Hoy! Louis san mo dadalhin si irene!!?

LOVEBIRDSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon