Author's Note

85 3 0
                                    

Author’s Note

Thank you God, para sa Inyo po ito.

Sa mga katulad kong aspiring writers, sulat lang po ng sulat. Kung talagang gusto n’yong maging isang ganap na writer, accept failures. Kasi po, doon talaga nagsisimula ang pag-i-struggle ng isang writer. Ako po, proud akong nagsimula ako sa puro rejections. Puro unapproved novels. Pero hindi po ako sumuko. Dahil kasi sa mga comments na ibinibigay sa ‘kin ng mga editors, natuto ako. Nalaman ko ang mali ko. Sa totoo lang po, ngayon po, gusto ko na ang mga critics ng mga editors. Kasi, sa bawat comments nila, nalalaman ko ang mali sa gawa ko.

So, heto ang isang story na sabi ng editors, masyadong imposible sa totoong buhay. Pero sa imagination ko, it’s possible. Ha-ha-ha. Nabuo ang Erroneous Identity sa… secret. Kasi kapag sinabi ko, mahuhulaan n’yo na ang story. Ha-ha. Twist and twist po kasi ang kuwento nito. Sana po, ma-enjoy n’yo ang mystery behind my hero/heroine and heroine.

Sa totoo lang, lahat ng characters na nabanggit ko rito sa story, may sari-sariling kuwento. So, sana po ma-in love po kayo sa mga characters ko.

Sana rin walang sasabunot sa ‘kin sa ginawa kong kakaibang twist ng kuwento. Pero I can assure you po na happy ending ito. (Hindi po kasi ako fan ng tragic endings, maliban na lang po kung lost case na talaga ang sinusulat ko, at mas may impact siya kapag medyo tragic ang ending)

Please enjoy readings Citrus’s story. Expect the unexpected po :). Happy reading. 

Erroneous IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon