Chapter One: Broken Lady and Stranger

96 3 0
                                    

Chapter One

“I CAN’T take this anymore, friend. Bakit ba hindi ko mahanap ang Mister Right ko? Nakakaasar! Akala ko pa man din siya na. I mean, for me, he’s so perfect. Until I found out…”

“Na hindi ka pala niya gusto?” malutong na tawa ang narinig ni Cit sa kabilang linya.

Napasimangot siya. “Broken hearted na nga ako, Clair, tinatawanan mo pa ako.” Pagsisintimiyento niya.

“Bakit naman kasi si Vil pa? Kahit na sabihin mo pang palagi siyang nakangiti, halata namang hindi ka niya gusto noong una pa lang. Ni hindi ka nga yata no’n nakikita. Tapos pinagpipilitan mo pa ang sarili mo? Ilang beses ko na ba kasing sinabing hindi ka niya gusto? At ilang beses kang hindi nakinig sa ‘kin? I don’t want to tell you this, girl, but I told you so right? Maybe he saw you, but he wasn’t able to see you as a special girl.”

Lalo siyang napasimangot sa sinabi ng best friend niya. Heto siya at nagsisintir pagkatapos ay pagagalitan lang siya nito? Alam niyang tama naman ito, ilang beses na siya nitong pinagsabihan na hindi siya nakikita ni Vil bilang babaeng mamahalin, na kaibigan lang ang tingin nito sa kanya. Pero bakit ba? Gusto niya ang lalaki, lalo na at tila ito anghel na ipinadala sa kanya, literally. Dahil mukha talagang anghel ang itsura ni Vil.

Isang sikat na direktor si Vil, at dahil isa siyang script writer at karaniwang ito ang direktor na nakakasama nila ay naging malapit siya rito. Nagustuhan niya ang pagiging maamo ng mukha nito at ang kulay gray nitong mga mata.

Masaya siya dahil naging kaibigan niya ito.

Ngunit nang magtapat siya rito ay inamin nitong hindi siya nito gusto bilang espesyal na babae. Inamin din nitong may iba itong gusto. Siguro ay totoo ang kuwento na may kasintahan na itong isang sikat na abogado. Ngunit nagbingi-bingihan siya sa tsismis na iyon dahil gusto nga niya ang lalaki.

At ngayon nga ay nadiskubre niyang totoo pala ang lahat ng balita. Kahit hindi sinabi sa kanya ni Vil kung totoong may kasintahan na ito - nakita naman niya nang sundan niya ito kung paanong yakapin at pakatitigan nito nang puno ng pagmamahan ang abogadang natsitsismis dito. At doon na nga siya tuluyang natauhan.

Ano ba ang laban ng ordinaryong ganda niya sa isang mala-diwatang ganda ng abogada? At talong-talo siya sa magandang kulay berdeng mga mata nito.

 “Bakit ganito ang buhay, Clair? Bakit ba lahat ng nakikita kong Mister Right ay hindi pala talaga Mister Right? Nakakainis na ang tadhana. Parang pinaglalaruan talaga ako. Parang ayaw niya akong maging maligaya. Sabagay, sino ba naman ang magkakagusto sa ‘kin? Pasalamat na nga lang ako at hindi ako sobrang pangit. Pero masyado ring ordinary ang mukha ko.”

Parang gusto na niyang mawalan ng pag-asang may magmamahal pa sa kanya. Alam naman kasi niyang hindi siya iyong tipong maganda talaga, ordinaryong-ordinaryo nga ang itsura niya. mula sa katamtamang tangos ng ilong, sa biluggang mga mata na binagayan ng maiikli at makakapal na pilik-mata, patungo sa maninipis ngunit mapupulang mga labi, hanggang sa mukha niyang oblong ang shape. Kailan man ay hindi niya narinig mula sa mga tao na maganda siya.

At kahit na sa mga mararaming lalaking nagustuhan niya ay tila pilit lang ang pagkakasabing maganda siya kapag inaamin na niyang nagugustuhan niya ang mga ito. Naaalala pa nga niya ang madalas at tila iisang pangungusap na parating sinasabi sa kanya kapag nababasted siya ng mga nagugustuhan niya.

Erroneous IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon