Chapter Six: Answers

33 1 0
                                    

“HELLO? Kuya?”

“Y-yeah.” Alanganing tugon ni Arc sa kapatid.

“So, what’s up?”

“I have a problem. With Citrus.” kahit alam niyang hindi niya makikita ang dalaga ay lumingon pa rin siya sa pinto. Mahirap na at baka marinig siya nito. Sinundot ng guilt ang puso niya. Parang pagtataksil na rin ang ginagawa niya sa kagaguhan niyang ito.

“Bakit? Anong problema?”

Napakunot-noo siya. Tila kasi inaasahan na nito ang sasabihin niya. Ngunit ipinilig niya ang ulo. Imposible naman siguro. “I didn’t know Citrus is afraid of sleeping alone? I mean, hindi ba at mag-isa na lang siya sa buhay? But the real problem is that I don’t know what to do if ever we would sleep in one room,” Marahang tawa ang isinagot nito. “Clarissa Mae!” pasinghal na saway niya rito.

Tumigil naman ito sa tawa. Ngunit base sa tinig nito ay natatawa pa rin ito. “Sorry. Don’t worry may tiwala naman ako sa ‘yo Kuya. Kahit sinabi ng records mo sa US na playboy ka ay alam ko naman ang totoo, you’re a gentleman by heart.”

Napaungol siya. “I don’t need to hear that. Pati kahit gentleman ako, may limitations din ako. You don’t know my body. At baka mabuko rin ako kapag nalaman niyang hindi tayo iisa. I mean, okay, I’m wearing a padding bra, but what will happen if we would sleep together? Ni hindi ko pa nga nasusubukang ipantulog itong bra!”

“‘Kaw kasi Kuya. I told you to meet her, pero takot kang ipakita ang mukha mo,” natawa ito nang muli siyang umungol. “I get it. Hindi mo gustong ipakita ang mukha mo dahil natatakot kang isipin niyang mas maganda ka pa sa kanya? Geez, men are really complicated creatures! And I thought they said women are. Anyway, hindi mo puwedeng iwang mag-isa si Cit sa isang kuwarto.”

“Why?” kanina pa niya gustong itanong iyon ngunit ngayon lang siya nakatiyempo.

Bumuntong-hininga ito. “Cit is afraid of being alone in one room. Her imagination is too wild for her own good. Even she couldn’t control it. Mahilig siya sa horror movies but every time the shows end, she would cower in fear. Hindi ko pa talaga nakitang nangyari iyon, pero madalas ikuwento iyon sa ‘kin ni Cit. kaya nga ‘yong lugar na inuupahan niya, doon sa maingay at maliit lang. She couldn’t move at night when it’s dark and the place is spacious.”

Napatango-tango siya. Nakaramdam ng simpatya sa dalaga. Parang ngayon pa lang ay gusto na niyang bumaba at yakapin ito. “Okay, kaya pala hindi niya pinatay ang ilaw kahapon. I thought whole night siyang gising.”

“So now that you know it, please, don’t leave Cit alone.”

“But I still have a problem. Paano kapag nalaman niyang hindi ikaw ako? When are you going here?”

“I told you within two to three days. I’ll go after my stalker left. Oh! Speaking of my stalker. Expect him to be there tomorrow. After that, call me and I’ll be there as soon as I can,” natahimik siya. Oo at sinabi niyang gusto na niyang pumunta ito roon. Ngunit kapag nangyari iyon, hindi na niya makikita si Cit. Parang napakaikli ng tatlong araw para magustuhan siya ng dalaga. “If you don’t want me to go over there yet, I can post pone it until the other day.”

Erroneous IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon