MABILIS pa rin ang tahip ng dibdib ni Cit kahit na wala na si CM sa kanyang harapan. Sa totoo lang ay ilang oras na ring wala sa harapan niya ang kaibigan niya. masyado siyang na-culture shock sa sinabi nito. Ni sa hinagap ng isip niya ay hindi niya naisip na sasabihin nito iyon.
"In love sa 'yo 'yon."
Paulit-ulit pa rin iyon sa isip niya kahit na nga wala na ito sa harapan niya nang sabihin iyon. Hindi niya maintindihan ngunit biglang bumilis ang tibok ng puso niya at napatitig na lang kay CM. para kasing ito mismo ang may pag-ibig sa kanya nang sabihin nito iyon.
Alam niyang kabaliwan ngunit hindi niya maiwasang isipin iyon. Lalo na at ito rin ang nagsabi niyon.
Napabuntong-hininga siya.
Nagulo yata talaga ang gender preference niya simula nang ma-broken hearted siya kay Vil. Dahil kahit itanggi niya ay naa-attract siya sa kaibigan. Hindi nga yata basta attraction ang nararamdaman niya, mas higit pa roon ngunit ayaw niyang pangalanan.
Ngunit bakit ganoon? Kung totoo ngang nagpalit siya ng gender preference ay bakit gusto pa rin niya si Arc? Napakagulo at komplikado naman ng puso niya.
Ngayon ay naiintindihan na niya ang kantang pusong lito. Dahil ngayon ay litong-lito ang puso niya. At hindi niya maintindihan kung bakit siya nagkakaganito. Bakit dalawa ang gusto niya ngayon? At bakit sabay pa siyang attracted sa mga ito? Ahh! Nababaliw na yata siya.
Nagpakawala siya ng hininga saka iginala ang paningin sa paligid. Madilim na pala. Napakurap-kurap siya at sinilaban na naman ng takot ang dibdib. Ganoon din ang naramdaman niya kahapon. Ngunit nang magdaang araw, kaya lamang siya nakatulog ay dahil sa kakabalik-balik sa isip ng nangyari sa unang araw niya roon. Ngayong alam niyang may kasama siya roon ay mas gusto niyang may kasama na.
Hindi man niya gustong aminin ay takot talaga siyang mapag-isa sa malawak na lugar lalo na kung gabi at madilim. Kahit na sabihing safe ang lugar ay gumagana naman ng malinaw ang imagination niya. For goodness sake! She was not script writer for nothing. Ngunit sobrang lakas nga ng imagination niya kaya kahit hindi niya sina-summon iyon ay nagte-take over sa kanya.
Napalunok siya bago kinakabahang bumaba ng kama. Alam niyang kalokohang takutin ang sarili niya ngunit iyon ang ginagawa niya habang marahang lumalapit sa pinto. Madilim ang paligid at pakiramdam niya ay maraming multong nakatira sa lugar na iyon. Maaaring mayroon ngang nasa likod ng pinto… puwede ring mayroon sa ilalim ng kama.
Pilit pinalis niya iyon ngunit naramdaman niya ang mas malakas na tama ng nerbiyos sa sistema niya. Bakit ba naman kasi nakalimutan niya ang oras? Bakit ngayon lang niya napansin na sobrang dilim na pala ng paligid? Alam niyang wala pa namang alas-sais ngunit ganoon yata talaga sa probinsiya, maagang lumulubog ang araw. At siyempre pa, maaga ring tumatahimik ang paligid. Katahimikang mas lalong nagpapalala sa kaba niya.
“Hey.”
Literal na napatalon siya at napatakbo sa kama nang biglang bumukas ang pinto. Doon ay nagtitili siya sa takot. Nanigas siya nang maramdaman ang paglapit ng multo sa kanya. “‘Waag!”
BINABASA MO ANG
Erroneous Identity
عاطفية“You know what? Hindi ko kailanman inisip na hindi pa tayo matagal na magkakilala. Kasi kahit na ilang araw pa lang tayong nagkakasama, pakiramdam ko, we knew each other eternally. Mahirap ipaliwanag pero iyon ang nararamdaman ko. It’s as if the mom...