NAPABUGA ng hangin si Arc habang nakatanaw sa babaeng nakapukaw ng atensiyon niya.
Sa totoo lang ay iyon ang unang beses na gumawa siya ng ganoong kalokohan. Hindi niya alam kung ano ang sumapi sa kanya. Basta natagpuan na lamang niya ang sariling lumalapit at lumalapit sa babae.
Siguro nga ay abnormal na siya.
Siguro rin ay may ginawa ang babae nang unang beses niyang lapitan ito. Simula pa naman noon ay hindi na ito naalis sa isip niya. Ngunit dahil din dito ay kung anu-anong kagaguhan ang ginagawa niya. Dapat ay magtapat na lang siya rito.
Dapat ay sabihin na lang niya ang totoo rito.
Pero natatakot siya. Yes. For the very first time in his life, he was afraid, afraid of being rejected. Siguradong tatawanan siya ng kaibigang si Bran kapag nakita siya nito sa kalagayan niya. Hindi rin matatapos ang pambubuska nito sa kanya.
But he couldn’t defend himself.
Maski siya ay hindi maintindihan kung paano siya napasok sa gulong iyon. Kung bakit tila siya tanga na sumusuong sa problemang iyon. He knew the consequence, and yet, he didn’t want to think of that yet.
Saka na, kapag nawala na ang takot niya.
Lihim siyang napamura.
Hindi siya sanay na humahabol sa babae. Aaminin niya sa loob ng dalawampu’t walong taong pamumuhay niya sa mundo ay hindi pa siya nakapanligaw. At bilang isang sikat na tao sa states ay siya ang nilalapitan ng mga babae.
But here he is, cowering because of a woman.
No. it was not just a woman, it is because of Citrus. The woman who caught his eyes, who held him like she owns him. The very woman who seemed to be unaware of her prowess over him.
Gusto niya itong murahin, ngunit alam niyang kapag ginawa niya iyon ay mas maraming mura ang ipapatungkol niya sa sarili niya. Kaya nagkasya na lang siyang nakatanaw rito. Maybe… maybe later on he would find his courage to tell her everything. Maybe she wouldn’t be mad at all. Maybe… just maybe, she would also fall for him.
He sighed as insecurity enveloped his heart. If only he is handsome enough for her.
If only she wouldn’t mind his looks… if only…
HINDI maiwasang mangiti ni Cit habang papalapit sa beach house ng mga Fernando.
Naroon kasi si CM habang nakatanaw sa dagat. Ang mabining hangin ay hinihipan ang scarf na nakasuot sa ulo at leeg nito. Habang nakatayo ito ay tinatanaw niya ito habang papalapit siya, napansin niyang tila kay kulay ng paligid. Napangiti siya. Mukhang hindi pa siya nito napapansin dahil ni hindi pa nagagawi ang tingin nito sa kanya.
Pinigil niya ang hagikgik na kumawala sa kanyang labi. Isang pilyang edaya ang naglaro sa isip. Kaya bago pa niya mapigilan at bago pa siya mapansin nito ay dinaluhong na niya ito ng yakap. Expected na niyang tutumba sila sa buhanginan dahil mabigat siya. Ganoon na lamang ang gulat niya nang imbes na bumagsak sila at magkulitan ay nasalo siya nito at pumaikot ang braso nito sa katawan niya.
BINABASA MO ANG
Erroneous Identity
Romance“You know what? Hindi ko kailanman inisip na hindi pa tayo matagal na magkakilala. Kasi kahit na ilang araw pa lang tayong nagkakasama, pakiramdam ko, we knew each other eternally. Mahirap ipaliwanag pero iyon ang nararamdaman ko. It’s as if the mom...