MABILIS ang takbo ni Cit. Wala siyang pakialam kahit na pinagtitinginan na siya ng nadadaanan niya. Ang mahalaga lang sa kanya ay marating niya ang taong hinahanap niya.
Damn him for not waiting for her! Kung inaakala nitong pakakawalan pa niya ito nakakamali ito! Coleen Marc Fernando! Humanda ito sa kanya. Matitikman nito ang bagsik niya.
Ibinilin naman niya ng paulit-ulit kay Clair na huwag itong umalis, hintayin siya dahil uuwi rin siya. Humingi siya ng mahigit kumulang isang buwan dito ngunit ano? Pagkatapos ng tatlong linggo ay lalayasan siya nito?! Hindi siya papayag!
Kailangan pa nilang magtuos! She wouldn’t let him just throw her away after what he confessed.
Sa naisip ay binilisan pa niya ang takbo. Kahit na hinihingal na at nanakit na rin ang tagiliran ay inignora niya iyon. Mas gusto niyang mahabol ang flight ni Arc. Dahil anumang oras ay makakaalis na ito.
Damn the traffic! Kung kailan naman kasi nagmamadali siya ay saka naman naging sobrang traffic ng kalsada. Tila nananadya pa ang tadhana! Buwisit!
Napahinto siya nang may humarang na bisikleta sa daan niya. Nakilala niya ang isang ex-crush niyang si Carl.
“Saan ang marathon?” usisa nito.
“I don’t have time for games!” singhal niya ritong nilagpasan ito.
Bibira na sana siya ulit ng takbo nang bigla itong magsalita. “Want a ride?”
Nilingon niya ito at walang salitang umangkas. “Sa NAIA. And I want you to drive fast.”
Mabilis nga itong nagpedal. Kung sa ibang pagkakataon siguro ay pupuriin niya ang lakas ng muscles nito. Ngunit dahil nakataya ang kaligayahan niya sa pupuntahan ay wala na siyang planong magsalita pa. Gusto na niyang maabutan si Arc.
“What’s in NAIA? Bakit parang atat na atat kang makapunta doon?”
“‘Andoon ang future husband ko. Thanks nga pala. Aabutin din siguro ng fifteen minutes kung tatakbuhin ko ito. Ngayon five minutes na lang. nakakabuwisit kasi ang traffic, hindi na gumagalaw ang sasakyan.” Hinihingal na wika niya.
“Woah! Future husband? Paalis o pabalik?”
Sa dami naman ng sinabi niya ay iyon lang ang nakuha nito? Kahit kailan talaga ay self-absorb ito. Hindi naman kataka-taka iyon dahil writer ito. “Paalis.”
“Mukhang lalayasan ka ng groom mo, ah.”
“As if papayagan ko siya. Pagkatapos niyang magtapat ng undying love sa ‘kin? No way!” bigla siyang kinabahan nang matanaw na sa kalayuan ang NAIA airport. Katulad ng karaniwang ay marami pa ring tao roon. Makakaya ba niya ang plano niya?
“Nagtapat sa ‘yo pero hindi mo tinanggap, ‘no? Kaya naman pala iiwan ka. Sinaktan mo.”
“Kalalaki mong tao, tsismoso ka. Hindi, ‘no! May emergency ako pati may gulo kaya hindi pa kami nagkakausap ng masinsinan. Salamat.” Hindi pa man nito nahihinto ng maayos ang bisikleta ay dali-dali na siyang bumaba.
Nang makapasok sa loob ng airport ay mabilisang hinanap niya ang binata. Kinakabang baka nasa private na lugar na ito kung saan bawal ang mga taga-hatid.
Ganoon na lamang ang pagbuga niya ng hininga nang makita ito. Hindi siya gaanong nahirapang makita ito lalo na at maraming tao ang nakatingin sa gawi nito. Katulad ng dati ay napakaguwapo pa rin ng hudyo, napakaganda kung gustong sabihin ng iba. Pero para sa kanya ay guwapo ito.
“Coleen Marc Fernando!” lakas-loob na sigaw niya. Walang pakialam kahit na napabaling sa kanya ang mga tao roon. Sana ay hindi lang isipin na baliw siya. Bahagya siyang napangiti nang matigilan si Arc at napatingin sa kanya. Mabilis na napatayo ito.
“Akala mo siguro matatakbuhan mo ako! Loko ka! Panagutan mo ang puso kong ninakaw mo! I thought you told me you won’t hurt me! Pero ngayon, iiwan mo ako? Humingi lang ako ng isang buwan para makasama ko ang Mom ko, pero bago pa matapos ang isang buwan ay aalis ka na nga?!”
“Citrus…” usal ni Arc at nagsimulang lumapit sa kanya. Bahagya lang niyang narinig ang singhapan ng mga naroroon.
“I love you, Arc! Hindi ko sinabi sa ‘yo noon dahil naguguluhan pa ako. Pati nasaktan mo ako, eh! At least I wanted to think. I was also afraid, you see. Takot akong masaktan na naman. Kaya tumakbo ako noong sabihin mong mahal mo ako. Pero simula pa lang ng makita kita ay kakaiba na ang naramdaman ko. Maybe it’s what they called love at first sight, hindi ko alam pero… mahal kita! Noon pa man na nagpapanggap ka lang na ikaw ang kakambal mo! I felt something weird, the next thing I knew I have fallen for you.
“Oo, hinahanap ko talaga ang pag-ibig. Dahil gusto kong mahalin ako ng kahit isang tao lang. But then you came, at nagbago ang pananaw kong iyon. Deep inside ay naisip kong mas maganda palang ipadama sa mahal mo na mahal mo siya. So I want you to feel how much I love you.
“Coleen Marc Fernando, will you marry me? Would you be so kind to give me your name?” Nakagat niya ang ibabang labi dahil bigla ay gumaan ang pakiramdam niya pagkatapos masabi ang lahat.
She looked lovingly to the handsome man standing in front of her. Noon din lang niya napansin na halos magkadikit na pala sila.
“I should be the one asking you that, Citrus. But still, my answer is yes. I love you and I would gladly give you my name. Not only that, I want you to accept my love and my heart. Hindi naman talaga ako aalis. I’m just here waiting for our parents. Pero sobra mo akong pinasaya, Citrus. Akala ko ako lang ang nagiging tanga sa ‘yo. Kaya mo rin palang maging tanga para sa ‘kin, quits na tayo?” nakangising tanong nito. Kababakasan ng kaligayahan ang mukha, sa kabila ng luha sa mata nito.
Tuloy kahit gusto niyang mainis sa ibang bersiyon ni Clair, ay hindi niya magawa. Alam din naman niyang ginawa ni Clair iyon dahil hindi pa siguro ito lubusang tiwala sa pagmamahal niya sa lalaki, siguro ay dahil pareho nilang alam na naghahanap talaga siya ng pagmamahal.
But this is different, hindi niya minahal si Arc dahil lang mahal siya nito, minahal na niya ito bago pa ito magtapat sa kanya. Kaya kahit ang pasimpleng pang-aasar nito ay nakapagpangiti sa kanya.
“Mahal kita, Arc.”
“And I love you more, Citrus, my future wife.”
Bago pa niya malaman ang susunod nito gagawin ay nasakop na nito ang mga labi niya.
She melted in his arm and forgot where they are; and the people watching over them.
♥♥♥ WAKAS ♥♥♥
BINABASA MO ANG
Erroneous Identity
Romance“You know what? Hindi ko kailanman inisip na hindi pa tayo matagal na magkakilala. Kasi kahit na ilang araw pa lang tayong nagkakasama, pakiramdam ko, we knew each other eternally. Mahirap ipaliwanag pero iyon ang nararamdaman ko. It’s as if the mom...