KULANG ang salitang hindi inaasahan habang nakamasid si Cit kay Arc.
Mas tama sigurong sabihing nagulantang siya nang malamang lahat ng in-order nito ay paborito niya. Ang halo-halo trip kasi nila ay nauwi sa early dinner. Iti-next na rin niya kay CM na hindi siya doon maghahapunan. Pumayag naman ito.
Ngunit wala na sa kaibigan ang tuon niya, ngayon ay nakamaang pa rin siya sa binata habang ito ay ngingiti-ngiti lang – itinaas nito ang bandana sa may bibig nito dahilan para mabistahan niya ang labi nito, ipinagtaka man niya ang hindi nito pag-alis ng bandana ay naisip niyang ayaw pa rin nitong ipakita sa kanya ang mukha nito.
“Alam mong favorite ko ‘yon?” hindi makatiis na tanong niya.
Lalong lumawak ang ngiti nito para masabi niyang tama nga yata ang kutob niya. “Nope,” tinaasan niya ito ng kilay. “Well, yeah.”
“Paano?”
“Hmm?”
“Paano mo kako nalaman ang gusto ko? I mean… kahit na napag-usapan natin ang foods kahapon, hindi ko naman sinabing paborito ko ang nilagang baka.”
Natigilan ito, ngunit saglit lang iyon. “Intuition. Gut feeling. Basta naramdaman kong iyon ang gusto mo. Pati sapat na ang mga nasabi mo para malaman ko ang mga paborito mo. It’s not as if I’m not that smart.”
Napatango-tango siya. May punto ito. “Sorry, hindi pa rin ako sigurado sa paborito mong pagkain. Wait, do you like meat?”
“Most guys do.”
Umiling siya. “I have this one crush, hindi niya gusto ng meat. Gusto lang niya parating kinakain mga isda or gulay. Grabe! Doon talaga ako pumayat nang sobra. I mean, siyempre crush ko siya kaya kapag niyaya niya akong kumain ay parati akong sumasama sa kanya. Kaya ‘ayun, naging vegetarian ako ng wala sa oras.”
Natawa ito, napangiti na rin siya. Hindi naman pala ito madaling magselos. Inaakala pa man din niya na may mabanggit lang siyang crush niya ay maiinis na ito. Well, cute din naman kasi itong magselos.
“But then you don’t like too much veggie?”
Mabilis at marahas na umiling siya. “I hate veggie! Hindi ko nga alam kung bakit gustong-gusto ng mga tao iyon. I mean, okay lang ang patatas sa ‘kin, but other veggie? No! Oh well, same reaction na naman tuloy ako kahapon.”
Nagningning ang mga mata nito na tila pinipigil matawa. “Yeah, pansin ko nga. Hindi mo kasi direktang sinabi kahapon na ayaw mo sa gulay, so I asked,”
Napangiti siya.
Kinikilig siya rito sa hindi niya maipaliwanag na dahilan. Siguro dahil kung makatitig ito sa kanya ay parang siya ang pinaka-magandang babae sa lugar na iyon samantalang kanina ay ang dami nilang naabutang magagandang dilag. Inabot niya ang kamay nitong nakapatong sa mesa at kinurot iyon.
“Hey!” saway nitong binawi ang kamay niya.
BINABASA MO ANG
Erroneous Identity
Romance“You know what? Hindi ko kailanman inisip na hindi pa tayo matagal na magkakilala. Kasi kahit na ilang araw pa lang tayong nagkakasama, pakiramdam ko, we knew each other eternally. Mahirap ipaliwanag pero iyon ang nararamdaman ko. It’s as if the mom...