Madalas na broken hearted si Cit. Ordinaryong babae lang naman kasi siya, at kadalasan ng mga nagugustuhan niya ay iyong mga sobrang guwapo. Ngunit dahil din sa ka-ordinaryohan niya kaya hindi siya kailanman nagustuhan ng mga nagugustuhan niya.
At nang maranasan niya ang huling heartbreak niya ay nagpasya siyang sumama sa tanging kaibigang si Clair sa pagbabakasyon.
Ngunit isang bagay ang hindi niya inaasahan. Bigla-bigla ay tila naaakit siya sa kagandahan ng kaibigan! Nagiging tibo na ba siya dahil nagsasawa na siya sa pagdurog ng mga lalaki sa puso niya? Pero bakit mayroon din isang lalaking parang gusto rin niya?
Puwede nga bang sabay siyang umibig?
Copy Right © by hikarinoreiko
All Rights Reserved
BINABASA MO ANG
Erroneous Identity
Romance“You know what? Hindi ko kailanman inisip na hindi pa tayo matagal na magkakilala. Kasi kahit na ilang araw pa lang tayong nagkakasama, pakiramdam ko, we knew each other eternally. Mahirap ipaliwanag pero iyon ang nararamdaman ko. It’s as if the mom...