Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang paghingi ng tawad sayo Mahal, sapagkat para sakin ay mahirap na ika'y iwanan, noong panahong mahal pa kita, noong panahong gusto pa kita, noong panahong hindi mo ako pinapansin, noong panahong hindi mo pa ako gusto at noong panahong siya pa ang mahal mo...Kaya nga ako na yung lumayo kasi habang nakikita at nakakasama ko kayo, lalo lang akong nasasaktan at mas lalo lang akong masasaktan kung ipagpipilitan ko lang ang sarili ko sayo.. At ngayon, nagpaparamdam ka..Alam ko na, alam ko na gusto mo rin ako gaya ng pagka-gusto ko sayo noon. Ang sabi mo sakin, "Mahal, patawad. Patawad kung ngayon ko lang nasabi. Dahil ngayon ko lang narealize na MAHAL NA PALA KITA kung kelan wala ka na. Ngayon ko lang narealize na mahalaga ka pala sakin." Hindi ko alam kung anong dapat kong isagot sayo dahil sa totoo lang may gusto at may mahal na akong iba. Sinagot ko ang mga sinabi mo,"Ba..Bakit ngayon mo lang sakin sinabi sakin yan kung kelan may gusto na akong iba?Kung kelan may mahal na akong iba? At hindi na ikaw yun." Kita ko sa mga mata mo kung gaano ka nasasaktan at halos maiyak na sa sobrang sakit. Mahal patawad! Ganyan din ang naramdaman ko nung siya yung pinili mo saming dalawa nung mga panahong mahal pa kita. Hindi dahil sa ginagantihan kita pero Patawad mahal, dahil hindi ko na maibalik ang nararamdaman ko para sayo. Kaya mahal patawad! Patawad kung hindi ko na magawang mahalin at gustuhin kang muli.
MAHAL, PATAWAD!
●●●●●●Please VOTE, COMMENT AND SHARE. Thank you♥♥
BINABASA MO ANG
TULA PARA SA PAG-IBIG
PoetryPara sa mga nagmahal, nagmamahal, umasa, umaasa, nasaktan, at patuloy na nasasaktan dahil sa pagmamahal na paulit-ulit lang tayong umiikot sa mundong kahit anong gawin natin hindi na natin maiwasan ang ganito. Kay kung kayo ay isa sa mga ito, para...