Tinanong kita, kung bakit ganun?
Bakit parang hindi ko na maramdaman yung pagmamahal mo sakin? Tinanong kita, nasaan na yung dating ikaw na nakilala ko? Kasi di ko na maramdaman yun galing sayo. Yung tipong mahal na mahal ako. Hinihintay kong bumalik yung dating ikaw pero wala eh, ang tagal, kaya siguro nasanay na rin akong maghintay. Maghintay sa wala. Kung ayaw mo na, sana man lang sinabi mo para di na naghintay ang puso ko. Umasa akong babalik ka kasi ang sabi mo maghintay lang ako. Umasa ako tapos yun pala iiwan mo lang rin ako. Umalis ka ng di nagpaalam. Umalis ka ng walang pasabi. Umasa ako tapos yun? Yun lang yun? Minahal kita. Tapos ang gagawin mo lang pala sakin, sasaktan at paghihintayin mo at pagkatapos nun IIWAN mo lang din. Pero hindi ko inisip yun kasi alam kong babalikan mo ako. kahit alam kong malabo, yung puso ko nasanay ng mag-isa kasi iniwan mo. Umasa akong lalaban ka din para sa relasyon natin pero hindi pala. Umasa lang pala ako kasi kahit kelan hindi ka lumaban, kahit kelan hindi mo pinaglaban yung relasyon natin. Pero ayos lang, kasi kahit hanggang sa dulo, hindi pa din ako sumusuko. Hindi pa din ako susuko kahit alam kong masakit na. Hindi pa din ako susuko kahit sa paningin ng iba, ang tanga tanga ko na. Hindi pa din ako susuko kahit sabihin ng mga kaibigan o magulang ko na tigilan ko na kasi ang manhid mo na. Pero wala na eh..Sobra na. Sobra na yung sakit. Siguro nga tama na itigil ko na. Tama na itigil ko na yung pagiging tanga ko. Tama na, na itigil ko na umasa sayo. Kasi iiwan mo lang din ako. Umasa ako sayo tapos iiwan mo lang din pala sa bandang huli.●●●●●●●
Please VOTE,COMMENT AND SHARE.. Thank you♥♥
BINABASA MO ANG
TULA PARA SA PAG-IBIG
PoésiePara sa mga nagmahal, nagmamahal, umasa, umaasa, nasaktan, at patuloy na nasasaktan dahil sa pagmamahal na paulit-ulit lang tayong umiikot sa mundong kahit anong gawin natin hindi na natin maiwasan ang ganito. Kay kung kayo ay isa sa mga ito, para...