Akala ko tayong dalawa na
Akala ko yung pagmamahalan na namamagitan sating dalawa totoo na.
Pinaglaruan lang pala tayo ng tadhana
Nagmahal ka ng iba at iniwan mo akong nag-iisa
Hindi ko maturuan ang puso ko na wag ka ng mahalin,
Kahit na bahagi na lamang ako ng nakaraan mo, nandito lang ako para sayo.
HANGGANG KAILAN AKO AASA?
HANGGANG KAILAN MAGDURUSA?
HANGGANG KAILAN?
Tanggap kong muli akong masasaktan.
Tanggap kong pagdurusa sa piling mo'y mararanasan.
Akala ko kasi ikaw na. Ikaw na yung nakatadhana sakin pero hindi pa pala.
Batid kong hanggang dito na lang kaya pipilitin kong ikaw ay talikuran at kalimutan pero,
HANGGANG KAILAN?●●●●●●
Please VOTE, COMMENT AND SHARE... Thank you♥♥
BINABASA MO ANG
TULA PARA SA PAG-IBIG
PoesiePara sa mga nagmahal, nagmamahal, umasa, umaasa, nasaktan, at patuloy na nasasaktan dahil sa pagmamahal na paulit-ulit lang tayong umiikot sa mundong kahit anong gawin natin hindi na natin maiwasan ang ganito. Kay kung kayo ay isa sa mga ito, para...