Ikaw ang sagot sa mga katanungan ng puso ko..
Aking panalangin, ika'y mapasakin
Nais kong ikaw ay makapiling
Habambuhay ika'y mamahalin
Nawa'y dinggin ang aking hiling
Pagkat pangarap ko'y ikaw
IKAW LAMANG
At wala ng iba.
Sa bawat gabing dumadaan, hindi ko maiwasang itanong,
"Kasalanan ba? Kasalanan ba ang mahalin ka?"
Dahil sa bawat ihip ng hangin na humahaplos sa akin, tanging lungkot ang nananaig..
Sa bawat huni ng mga ibon,
Tanging awit ng lumbay ang aking naririnig.
Sa bawat patak ng ulan,
Ang mga mata'y lumuluha rin.
Ngunit sa bawat pintig ng aking puso,
Pangalan mo ang tanging naririnig.
Pilit ko mang ibaon sa kweba ng paglimot ang mga katanungan ng puso ko,
Sadyang mapaglaro ang tadhana
At patuloy akong hinuhulog sa bitag nito.
Bakit hindi na lamang pagbigyan ang hiling ng puso ko?
Bakit hindi na lang natin totohanin?
Bakit hindi mo na lang ibigay ang sagot na matagal ko nang
Marinig sa mga labi mong hinihila ako papalapit sayo?
Bakit hindi mo na lang ako mahalin gaya ng pagmamahal ko sayo?
Bakit? Bakit natitiis mong makitang nasasaktan ako...na unti-unting namamatay sa sakit na dulot ng pag-iwas mo?
Saan man ako naroroon o ano man ang aking bigyan ng pansin, ikaw at ikaw lamang ang tanging sumasagi sa isipan kong hindi mawari ang himig.
Sa bawat musikang bumubulong ng awiting pag-ibig, ang maganda mong tinig ang siyang yumayakap sa puso kong kay lamig.
Kanino man ako lumingon,
ang mga mata mong maningning,
Ang siyang tumutunaw sakin,
Ngunit ito ay isa lamang panaginip.
Ang panahon ay lumipas, ngunit ang alaala nati'y nananatili pa rin. Hindi ko magawang limutin ang iyong mga ngiting tumutunaw sa yelong bumabalot sa puso kong puno ng lumbay, ang iyong mga matang nangungusap at nagpapaalalang may anghel na nagbabantay sakin, ang tinig mo na kay lambing na siyang nagbibigay himig sa bawat salitang iyong bibigkasin, at ang iyong haplos na nagpapatahan sa akin sa tuwing ako'y nalulunod sa dagat ng kalungkutan. Sana'y pagbigyang ibalik ang dating atin...ang dating ikaw at ako.. sana'y tayo na lang muli.
Kung ikaw ang taong itinadhana sakin, umasa kang habambuhay kitang mamahalin.
Hinding-hindi kita sasaktan,
Hinding-hindi paluluhain.
Ngunit kung dumating man ang panahong pilit tayong paghihiwalayin ng mapaglarong tadhana, handa akong masaktan.
Handa akong lusungin ang malakas na agos na namamagitan satin, kahit kapalit nito'y pagkalunod sa pag-asang ika'y makakapiling pa rin.
Ikaw ang pangarap ko sa buhay kong ito.●●●●●●
Ahh guys. Gusto ko lang magthank you kay ELLA BANANA for this piece..
PLEASE FOLLOW HER ON HER YOUTUBE CHANNEL: ELLA BANANA. Thank you!!●●●●●●
Please VOTE, COMMENT AND SHARE.. Thank you♥♥♥
BINABASA MO ANG
TULA PARA SA PAG-IBIG
PoesíaPara sa mga nagmahal, nagmamahal, umasa, umaasa, nasaktan, at patuloy na nasasaktan dahil sa pagmamahal na paulit-ulit lang tayong umiikot sa mundong kahit anong gawin natin hindi na natin maiwasan ang ganito. Kay kung kayo ay isa sa mga ito, para...