9. KAIBIGAN O PAGHANGA?

88 1 0
                                    

Unang pagkikita pa lang natin

Nagkagaanan agad ang loob natin

Unang pagbibiruan, "Bakla" ang tawagan

Hindi ko naisip na tayo'y magiging magkaibigan


Hanggang sa tumagal ang ating samahan

Lalong lumalim ang pagkakaibigan

Palaging magkasabay kung kumain ng tanghalian

Basta ba't laging masaya at masarap ang pananghalian


At dumating sa punto na ako'y iyong inaalagaan

At sa problema ako'y laging tinutulungan

Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman

Gulong-gulo ang aking isipan


"KAIBIGAN LANG BA TALAGA O MAHAL NA KITA?"


Isang araw, nakita kitang may kasamang iba

Doon ko lang napatunayan na gusto talaga kita

Gusto kong lumapit sa inyo noon

Gusto ko lang ipamukha sa kanya na ako dapat ang kasama mo sa mga oras na yun


Gustong-gusto ko ng aminin ang nararamdaman ko

Pero natatakot ako na baka iba rin ang gusto mo

Natatakot akong masaktan at masugatan ang puso ko

Ng dahil lang sa isang katulad mo


Ano nga ba talaga itong nararamdaman ko?

Isipan ko'y litong-lito

Kaibigan ba o paghanga?

Hindi ko maipaliwanag ang nadarama


Dumating ang araw na tayo'y magkasama

Tinanong mo ako kung sa puso ko'y meron ng nagpapasaya

Nagtagpo ang ating mga mata

At sinagot kita ng, "Oo. Mahal Kita."


'Mahal Kita.' Sa wakas nasabi ko na

Nasabi ko na rin ang matagal ko ng nadarama

Sinagot kita habang nakatingin ng diretso sayong mga mata

Naghihintay, nagbabakasakali na sagutin mo rin ang aking nadarama


At sa wakas, ito na nga ang tamang oras

Sinagot ang tanong sa isip ko oras-oras

"Mahal din kita." Yan ang sagot mo

Hindi ako makapaniwala sa aking narinig

Dahil ang dating magkaibigan, nauwi rin sa mga pusong umiibig.


...............................

THANK YOU.....PLEASE VOTE,COMMENT AND SHARE

TULA PARA SA PAG-IBIGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon