11. MAHAL KITA PERO

86 1 0
                                    


Mahal kita pero nakakapagod na.

Minahal kita kahit ang hirap hirap na.

Mahal kita pero bakit ang sakit, hindi matapos tapos? 

Gusto kita pero parang unti-unti akong nauubos.

Parang kandilang nauupos sa dilim.

Parang araw na nawawala sa takip-silim.

Mahirap pala yung laging ikaw lang ang umiintindi at umuunawa.

Parang pasan mo ang daigdig na ikaw mismo ang gumawa.

Masakit pala yung ginawa mo na ang lahat pero kulang pa rin.

Yung ipaglalaban mo siya...pero mali ka pa rin..

Ayos lang naman sayo ang magsakripisyo.

Parte naman yan ng pagmamahal mo.

Pero tao ka lang din naman...napapagod, nagsasawa, pinanghihinaan.

Mahal kita pero tama na siguro.

Mahal kita pero may "PERO."

Balang araw, masasabi ko...


"BUTI NA LANG, BUMITAW AKO."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 12, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TULA PARA SA PAG-IBIGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon