Chapter 16- He Doubts

1.4K 42 0
                                    


Dyron Cal's

No. This can't be. Those moves, ang mga galaw na yon. Nakita ko na iyon.

Hindi pwedeng siya yon. Nerd lang siya, Dyron, nerd! Hindi pwedeng ang isang katulad niya maging isang reyna ng gangster world at napaka-imposible non.

"People's face nowadays deceives too much people in their world," napatingin ako kay Russel na nakangiti at nakatingin sa binabaan ng Queen of gangsters. "Don't let a book's cover deceive you"

Gusto ko siyang batukan o tanungin kung ano na naman kasi ang pinagsasabi niya. Ganyan iyan palagi.

"Bakit nga pala wala si Earth?" Tanong ko sakanya. Nakatingin parin kami sa loob ng Arena kung saan naglalaban ang ibang gangsters. Nasundan na din kasi agad ang laban matapos ng sa dalawang royalty.

"I'll tell you later." Sagot niya sakin kaya wala akong ibang nagawa. Nang matapos ang laban napagpasyahan naming umuwi na at paglabas naming ng arena saka lang nagsalita si Russel.

"Patay na si Tito Carlos."

Nagulat kami sa balitang iyon. Anong nangyari? "Hindi sinabi sakin ni Cade kung anong nangyare. Mas mabuti kung pumunta nalang tayo doon bukas." Sumang-ayon kaming lahat sa sinabi niyan iyon. Nauna nang umalis ang tatlo at naiwan kaming dalawa ni Russel.

"I can see in your eyes that you are having doubts of Queen's identity."

Napakunot ako ng noo. Pa'no niya nalaman iyon. "Tulad ng sabi ko kanina, looks can be deceiving and also their identity" ayan na naman siya sa pa-deceive deceive niya!

Pagkatapos niyang umalis ay naiinis kong sinipa ang maliit na batong nakita ko. Nakarinig ako ng pag-aray kaya hinanap ko kung sino man yon.

"P-Pasensya na, Queen"

Hindi niya pinansin ang sinabi ko at sumakay sa kotse niya. Tinanaw ko ito habang papalayo at sumakay na rin sa kotse ko para umuwi. Weird.

-

Nathalia's

Parang ayaw ko ng pumasok. Gusto ko pang matulog at mahiga sa kama ko buong maghapon. Kung bakit naman kasi maaga ang klase!

"Ate Nathalia, gising na po. Papasok pa kayo diba" napatingin ako sa nagsalita. Si Nathalie lang pala habang kusot kusot ang mata niya. Nakangiti akong tumayo at niyakap siya.

"Good Morning" bati ko sakanya. "Hmm morning. Gusto ko pa matulog" inalalayan ko siya papunta sa higaan ko. "Tulog ka muna jan. Maghahanda na rin muna ako"

Inihiga ko siya ron at madali naman siyang nakabalik sa pagtulog. Binilisan ko ang kilos ko para hindi ako mahuli sa klase ko. Nagmadali rin akong kumain at nagpa-alam kay Kris, hinalikan ko na nalang sa ulo si Nathalie dahil tulog padin ito sa kwarto ko.

Naglakad ako patungong school at bumungad sakin ang tahimik na hallway. Tsk late na ko sa first subject ko. Pero bahala na nga, wala na kong pake sa detention.

"Good morning ma'am. I'm sorry i'm late. I'm here to get my detention slip for an hour?" Nakangiti naman siyang naglahad sakin ng papel at umirap saka bumalik sa pagtuturo. Ikinaganda mo na yan ma'am? Tsk

Nagtungo ako sa detention room at natulog don. Tsk. Ganito na kasi kapag late, don't expect excuses.

-

Nagising ako sa tunog ng bell. Napatingin ako sa orasan. Ow shit! Alas dose na?!

"Absent ako sa limang subject natin sa umaga dahil sa pagiging tulog mantika mo." Napatingin ako sa lalaking nagsalita, si Dyron.

"Kasalanan ko bang nandito ka? Choice mo naman yan eh" tumayo ako at palabas na sana ng magsalita na naman siya.

"Ganyan ba mag thank you ang isang Nathalia Cayen Hamada" napatigil ako sa paglalakad. Hanep. Galing niyang mangalap ng second name.

"Pfft. Anong pinagsasabi mo diyan. Masyado na ba kong maganda para mapagkamalan mong siya?" Hindi man niya ako makikilala bilang isang mafia heir o gangster, bilang isang bigating babae naman

"Wag ka ng magpanggap. Nahuli ka na eh" sabi niya ng nakangisi. Seryoso ba talaga siya jan?

"Look, I don't know why you're saying this."

Sabi ko. Nakangiti parin siyang tumingin sakin. Ang creepy pala ng pepeng kambal ni Dyron.

"Then tell me, bakit classified lahat ng infos mo?" Seryoso niyang tanong. Naging seryoso ako tapos bigla akong natawa. Eh bakit bah?

"So pina-imbestigahan mo ko?" Tanong ko at mukhang hindi niya inaasahan ang pagbato ko ng tanong pabalik sakanya. Nag-iwas siya ng tingin. "Bahala ka nga jan"

Umalis na siya at ito ako natatawa parin. Okay tama na, move on na. Pero nawala din ang ngiti sa labi ko.

Why do they keep sticking their nose on somebody else's business. Bakit hindi nalang nila ako lubayan.

They're starting. Nagdududa na sila, wala naman na iyong problema sakin. But the fact, that Russel and that Axel, they were good combinations, I know it won't be probably weong bago nila mahack ang system ko.

Kailangan ko atang ingatan ang galaw ko sa dalawang yun.


That Nerdy Gangster Goddess Queen [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon