Chapter 20 - His Game

1.1K 30 4
                                    


Nathalie's

What was my plan? It was to make him fall for me. I'll brainwash him in the process. Make him choose. Turn him vulnerable and break his heart. His dad made me heartless. Hurting someone for the sake of my family is already no big deal for me.

Pagkagaling ko sa party kagabi ay agad akong dumeritso sa mansyon pagkatapos magbihis.I opened all the copied footages pero wala, ni anino ng pamilya ko ay wala. Dalawa lang naman ang pwede niyang pagtaguan. Ang mansion at ang mafia base nila. Kung ang mafia base nila ang susulungin ko, kailangan ko nang mas magensayo pa kung ganoon.

Hindi ko pinagdududahan ang sarili kong kakayahan pero hindi ako pwedeng kumampante. Oo, malakas ako, pero wala sa kaalaman ko kung ano man ang maaari kong makasalamuha dun. Emperyo pa naman yun ng demonyo.

Tutal ay maaga pa naman, kinuha ko ang susi ko at umalis ng bahay. Dito na ulit ako sa mansion tumitira dahil pinapaayos ko pa ang bahay ko, dun lang muna talaga ako nagpahatid kay Dyron.

Dumeritso ako sa mafia base namin at nagtungo sa training hall. Dun ko nakita si Princess na nagpapa ensayo sa mga mababang ranggo ng reapers.

"Araw araw nalang tayong nagkikita, Empress" Magiliw niyang sagot. Ngumiti lang ako sa sinabi niya at nanuod sa laban na parte na kanilang pag eensayo.

"I'll be waiting for you at the quarter." Sabi ko at umalis. I headed to the left wing of the mafia base at naupo sa upuan ko. Hindi nagtagal ay nakasunod na sakin si Princess.

"Is there something that we should talk about?"

"Pati ako naguguluhan na. Nakukulangan ako sa isang buwan Princess. I only have a month to save them, and I cant guarantee na magiging akin siya within a month. I have to think of Plan B"

Mahabag litanya ko. Nanatiling nakatitig si Princess sakin, naghihintay sa susunod kong sasabihin.

"Kailangan kong magpalakas habang sinasagawa ang plano ko, multitasking. Kung pumalpak man ako, i'll proceed to Plan B"

Tumango tango siya sa sinabi ko. " Are you saying, na may tendency na susugurin mo ang base nila pag di nagwork ang Plan A mo? That would be insane" Natatawang sabi niya. Pero ng makita niya akong seryoso ay nawala ng dahan dahan ang ngiti sa labi niya.

"Just kidding. I'll help you, sabay nating sulungin ang mafia nila, i'm always with you Empress. That is my duty"

Masaya akong nandyan si Princess sa tabi ko, "after this, Ivory, I will set you free. You deserve freedom, you're too much for the mafia already."

Ngumiti siya sakin at umiling. "Utang ko sa mafia ang buhay ko at ng magulang ko. Bakit ko tatalikuran ang bagay na patuloy na nagbibigay buhay sa pamilya ko ngayon?"

Tumayo ako para yakapin siya. She was like my sister already, I admit. Bata pa lang ako ay andyan na siya. I was cold and strict, yet she stand by me and became my guardian. She has my trust.

- +

Kinabukasan ay pumasok na ako, wala na ang mga bulungan at tinginan saakin at labis ko iyong pinagsasalamat. Pero sa kabila non, parang ang tahimik na tuloy ng mundong ginagalawan ko.

Pinilig ko ang ulo, ano ba tong pinag-iisip ko. "Bakit wala ka kahapon?" Biglang bungad ni Dyron sa harapan ko kasama ang kambal niyang nag-aabang rin ata sa sagot ko.

"Hangover" simpleng sagot ko at hinayaan na lamang siyang sumabay. Naginoman kasi kami ni Princess pagkatapos mag-usap kaya ayun. "Gaano ba karami ang nainom mo nung isang gabi?" Tanong ng kambal niya. Nilabas ko ang ang kamay ko binuka iyon. Lima.

Mukhang nagulat naman sila. Naramdaman ko pa ang biglang pagbatok ni Dyran sa kapatid. "Anong problema niyo?" Tanong ko. Umiling lang silng pareho. Umirap nalang ako sa hangin at dumeritso na sa upuan ko.

"Sabay na tayong kumain mamaya ng lunch ha?" Ngumiti ako sa kanya ng nakakaloko at tumango nalang. What the hell is wrong with you?

Lunch came, while we were waiting for Dyran and his friends na siyang nag volunteer na mag-order, biglang nagsalita itong parang pipe kong kasama.

"Stop playing with my brother"

Napangisi ako sa sinabi niya. What makes him think i'm playing with that brat?

"I shouldn't be the one you're telling that. This is your brother's game. If he treats me as his game, then it's my pleasure to show him how it's played."

Hindi na siya nakapagsalita nang dumating na sila. "Ang seryoso niyong dalawa" sabi ni Dyron. Ngumiti lang ako at kinuha ang tray na inorder ko.

Nagsimula na kaming kumain. Tahimik lang ako sa lamesa pati narin si Dyron. Hanggang matapos kami sa pagkain ay tahimik lang kaming dalawa. Tanging si Alex, Russel, Dyron Cal at Caden lang ang nag- iingay.

Kailangan ko nang mag ingat sa mga susunod kong galaw. His being observant. Baka mahalata ako.

Pagkatapos kong kumain ay nagpa-alam na muna akong aalis. I have to meet with Zackario, my mentor. Magsisimula na kami sa matindi kong page-ensayo.



That Nerdy Gangster Goddess Queen [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon