Third Person's Point of ViewJust like a normal day, ganun parin ang naging daloy ng buhay ni Nathalia. Matutulog sa gabi at ensayo buong umaga at maghapon kasama si Princess. At wala siyang oras para sayangin ang bawat minuto non.
On the other side.
Patuloy paring naghahanap si Dyron ng mga impormasyon tungkol kay Nathalia. And he knows that he's not the only one whos curious about her, dahil pati ang kambal niyang walang paki-alam sa mundo ay nakiki-usisa na rin.
"Aish! Bwesit! Bakit ba di ko man lang mahack tong bwesit nato!"
Sigaw ni Axel bigla. Napabuntong hininga na lamang si Russel.
"Tigilan niyo na nga yan. Kung ayaw magpakilala nung tao, wag niyo ng pilitin"
Sabi ni Russel at nagpatuloy sa pagbabasa ng libro. Dyran Jaze just stared into his friend. At naa-awkward-an namang napatingin sakanya si Russel.
"geez, what are you staring at? Gwapo na ba ko masyado Dyraan? Hahahaha"
Biro nitong sabi, but Dyran was still looking at him intently and didnt mind his playful joke.
"May alam ka ba?" Biglang tanong nito na ikinabigat ng atmosphere. Nag-iwas ng tingin si Russel at umiling.
"Tulad niyo, naiinis rin ako na wala man lang akong mapansing kahina hinala sakanya sa pag oobserba ko sakanya simula ng makilala natin siya. That's why I stopped. Let her reveal herself, mukhang malapit narin naman ang panahon ng iyon"
Itinabi niya ang librong hawak niya at tumayo. Ngumiti niya sa mga kaibigan at sumenyas sa mga ito, "tayo na d'yan. Hindi kay Nathalia umiikot ang mundo niyo para lang kalimotan niyong may klase din tayo"
He was right. Tumunog ang bell at hudyat para sa lahat na tapos na ang lunch break at oras na naman ng klase
Dyron Cal's
Tahimik lang akong naka-upo habang ang tingin ay nasa harapan at sinusundan ang pagsulat ng guro namin sa Chemistry. Pero ang utak ko ata ay may sariling ding utak at piniling maglayag.
It's been days since huli naming nakita si Nathalia. She vanushed like she doesn't have any record here at all. Kapag nagtatanong naman ang mga kaklase namin kung asan siya, our profs and teachers always find their ways para maiwasan ang tanong na iyon.
And that'show curiosity drove me crazy. After she pinned me down liked that, I started to get curious about everything that links to her.
Natapos ang klase na wala man lang akong maintindihan. Ni walang laman ang notebook ng kahit simpleng notes man lang dahil paniguradong may quiz nanaman bukas bago magsimula ang klase.
Napabuntong hininga ako at hinarap si Dyran na tahimik pang nagsusulat sa tabi ko. Ibinaba niya ang g-tech niya,tanda na tapos na siyang magsulat at isisilid na sana ang notebook niya sa bag ng mapansin niyang pinagmamasdan ko ang galaw niya.
I just smiled at him and he handed me his notes. Nakangiti ko yung tinggap at ipinasok sa bag, siya naman ay napapa-iling na lamang na nagligpit ng gamit at huminga ng malalim bago iyon binuga
"Parang hindi ka naman sanay Aze" sabat bigla ni Russel sa gitna namin habang nakasukbit na sa balikat niya ang isang strap ng bag niya.
Tumayo na din ako at tinawanan lang siya. Kasi totoo naman. Minsan kasi ay mas gusto kong magpakatulala nalang at wag nang makinig sa klase. Mas nakaka-enjoy pa yun kesa makinig sa boring na pagtuturo ng mga guro namin. Wala naman lang kasi silang sense of creativity para man lang makuha ang buong atensyon namin at parang natuturo nalang sila para sa trabaho nila. Kaya pumapasok nalang din ako para makapagtapos, tsh
"Bakit nga ba hindi" ngumiti lang ako sa kambal kong bored na bored tumingin sakin.
Sabay sabay na kaming lumabas na magkaka-ibigan at naghiwa-hiwalay din. Wala pa din si Caden at sa malamang ay inaasikaso niya din ang mga bisita sa lamay ng step-dad niya. Napag-usapan na din naming tutulong at bibisita kami dun bukas. Mukhang papasok na din siya bukas kaya mabuti na din yun para sabay sabay na kaming magpunta sakanila.
Sa amin kasing magb-barkada, sa pamilya ni Caden kami mailap at mas bihirang tumambay sa bahay nila. At nakasanayan narin namin na tuwing hatinggabi ay bigla yang kakatok sa pinto ng condo namin para makitulog. Hindi sila close ng step-dad niya at hindi namin ang dahilan tungkol dun.
Nakarating kami ng bahay at agad akong pumasok sa kwarto ko para magpahinga sandali at naligo. Nagsuot lang ako ng simpleng pares ng damit at pumasok ulit sa banyo.
Magkarugtong ang banyo namin ng kambal ko. We respect each others privacy, kaya doble ang lock ng pintong nasa pagitan namin. To indicate if ever we're allowed to enter each other's room in a specific time.
Tuluyan akong pumasok sa kwarto niya at nakitang may tinitipa siya sa harap ng laptop niya.
"What's that?" Tanong ko agad sakanya at itinapon ang sarili sa kama. I reach out for his ipad at naglaro dun ng Zombie Tsunami.
Wala, nakakatuwa lang talaga tung laro na'to.
"Wala, yung project lang natin sa Chemistry. I'm proofreading it bago ipasa"
I just hummed and silence envelope us again. Inilapag ko sa bedside table niya ang ipad at na-upo.
"Where do you think she is?" Halos maging bulong nalang iyon pero alam kong nadinig yun ni Dyran. Hindi siya sumagot agad but I heard him sigh.
"Hayaan mo na ang babaeng yun. Just mind your own business" Sagot niya at niligpit ang mga gamit niya,pagkatapos ay itinabi na ito.
"Why? Aren't you curious about it too?" Tanong ko. Tinapos niya ang ginagawa niyang pagliligpit bago ako hinarap at sumandal sa lamesa niya.
"I am. Pero tama si Russel, let her show herself. So stop it already."
I just sighed at humiga sa kama niya.
"Hindi naman ganun kadali yun. Nakakapanibago lang na may ganung klaseng babaeng naglakas ng loob na patunbahin ako."
Wala sa sarili kong sabi. Umupo ulit ako sa kama at tumingin kay Dyran na pinagmamasdan lang ang bawat galaw ko.
"Ano? Curious lang ako sakanya ha, puntahan kaya natin ulit siya sakanila?"
Tanong ko sakanya na. He just rolled his eyes and drag me out.
"You're crazy. Matulog ka na,magpapahinga na din ako."
Tuluyan niya na ngang sinarado ang pinto kaya wala akong choice kundi bumalik na sa kwarto ko. I sighed and let my self fall into my bed.
Asan na ba kasi ang babaeng yun ,-- gusto ko pa siyang gantihan. and I kinda miss her presence, presence lang ah.
BINABASA MO ANG
That Nerdy Gangster Goddess Queen [COMPLETED]
ActionFor someone who has lived her life with a blood on her hands, she wished for a normal life. She disguised herself as an innocent student and went to school like any other normal teens. She tried her best to cut off ties with anyone, to turn down any...