Prologue

275 25 5
                                        

Walang emosyong nakatingin si Lorenzo sa kawalan habang nakasandal sa pader. Nasa puntod sya ngayon ni Annys. Ngayong araw ang libing nito at nagsiuwian na lamang ang mga tao ay nadun parin sya at nakaupo.

"Lorenzo, kailangan na nating umalis." nabasag ang katahimikan nang pumasok sina Michie at Yeoj. Naalimpungatan ito kaya napatingin sya sa kanila.

"Aalis na tayo?" tanong nya sa mahinang boses. Tumango naman si Michie kaya umalis na sa pagkakasandal si Lorenzo. Buong akala nila ay tatayo na ito para sumunod sa kanila ngunit bigla itong nagsalita.

"Annys, Annys aalis na daw tayo. Tara na." sambit nya sa pagkukumbinsi sa sariling kasama pa nila si Annys ngayon. Napuno ng awa ang mata ni Michie at Yeoj nang makita ang kaibigan sa ganoong sitwasyon.

"Lorenzo.." naiiyak na sambit ni Michie.

"Sandali lang. Annys... please..." napatigil sa pagsasalita si Lorenzo nang marinig ang paghikbi ni Michie.

"Lorenzo tama na. Annys is gone." nanginginig na sambit ni Michie at tila ba biglang nagising si Lorenzo dahil sa mga katagang yun. Unti unting namuo ang mga tubig sa mata nya.

"Gone?" tumulo ang luha nya kaya lumapit sa kanya si Michie para yakapin ito. "wala na... wala na si Annys?" sunod sunod na luha ang tumulo sa mata nya habang unti unting nagpoproseso sa utak nya ang mga nangyayari. Maging si Yeoj ay lumapit narin dito para hawakan ang kamay nya. "my Annys is gone?" humagulhol sya habang naka hawak sa braso ni Michie na nakayakap sa kanya.

Kung kaninang wala itong emosyon habang nakatingin sa kawalan, ngayon ay puno na ng lungkot ang makikita mo sa kanyang mga mata.

"Kaya tara na, please. Mas mahihirapan ka lang kung magsstay ka dito. Kailangan mo na ring magpahinga." sambit ni Michie pero patuloy lang ang paghagulhol ni Lorenzo.

No one knows how miserable he became when Annys died. No one knows how broken and how empty he felt when everything sinks in on him. Annys is not just a girlfriend for him, but also a bestfriend and his only family. His partner, his world, his everything.

And seeing her name on her grave was like a huge blow to his life. He felt like dying every second because of the pain it caused him. He couldn't even bear the pain anymore.

All he can do is to cry out loud but it looks like no matter how much he cries, the pain won't go away. And it will stay with him forever.

But on the other side of the story, there was a newborn baby girl in an hospital.

Nakangiting pumasok ang isang nurse sa silid buhat buhat ang isang sanggol na umiiyak at maingat itong ibinigay sa kanyang ina na nakahiga sa kama.

"Ano pong gusto nyong ipangalan sa bata?" Tanong ng nurse. Tiningnan naman sya ng babae habang nakangiti.

So they named her...

"Laureen, Laureen Guevarra."

A reborn of Annys Caragon in This Another life.

This Another LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon