Another 4: Finally

132 15 0
                                        


PRESENT LIFE

Laureen Guevarra's Pov
________________
Date: August 4, 2016
Friday
8:02am
_______________

Inilagay ko yung order ng isang customer sa table nya at nagbow. Umalis ako ng walang sinasabing kahit ano at kumuha ulit ng isa pang order ng iba namang customer. Katulad ng ginawa ko dun sa isa ay nagbow lang din ako at umalis ng walang sinasabing kahit ano.

Nasa Oren Bar ako ngayon at ngayon din ang unang araw namin ni Trace dito.

Pumunta ako sa isang table para linisin iyon ngunit napatigil ako nang may marinig akong usapan.

"Sir, gusto ko na po sanang magresign. Uuwi na po kasi ako sa probinsya namin." Napatingin ako sa babaeng nagsalita malapit sakin. Kausap nya ngayon si Sir Lorenzo.

"Bakit? May problema ba sa inyo?" Tanong nya.

"Ah hindi po, may sakit na po kasi yung tatay ko. Wala pong mag aalaga kaya kailangan ko na pong umuwi." Paliwanag ng babae kaya naman tumango si Sir Lorenzo. Maya maya ay may kinuha sya sa bulsa nya. Isang wallet. Kumuha sya ng pera don at inabot iyon sa babae.

"I hope this helps." Sambit nya sa babae kaya nanlaki ang mata nito.

"Nako, hindi na po, Sir. Nakakahiya naman po sa inyo." Sambit nito pero umiling si Sir Lorenzo.

"It's okay. Take it, i know that your father needs it. Mag-ingat ka sa pag-uwi mo." Sambit nya kaya napakagat ang babae sa labi nito.

"Salamat po." nahihiya nyang kinuha ang pera kaya tumango lang si Sir Lorenzo.

"Ang bait naman non." Napatingin ako sa babaeng nakaupo sa table malapit sakin nang magsalita ito.

Mukhang sina Sir Lorenzo ang tinitingnan nya ngayon.

"Sa tingin mo Miss, magreresign na talaga yung babaeng yon?" Tanong nya at tumingin sakin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Sa tingin mo Miss, magreresign na talaga yung babaeng yon?" Tanong nya at tumingin sakin. Ako ba kausap nya? "Miss na nakaponytail, ikaw kausap ko." Sambit nya kaya tumaas ang kilay ko. Ah ako nga.

"Hindi ko alam e. Tanungin mo sya kung gusto mong malaman." Kalmadong sambit ko kaya napangiwi sya. Umalis nalang ako don at pumunta sa ibang lamesa para linisin iyon.

Ang chismosa naman ng babaeng yon.

Maya maya ay may nilapitan si Sir Lorenzo na empleyado rin dito kaya napatingin ako don.

"Ren, makikidikit naman 'to sa labas." Sambit nya. Kung hindi ako nagkakamali ay isa yung flyer para sa job opening. Mag hahanap na agad sya ng pampalit sa babaeng nagresign kanina?

This Another LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon