《PRESENT LIFE》-Laureen Guevarra-
________________
Date: August 9, 2023
Wednesday
12:34am
________________Marahan kong sinuntok suntok ang batok ko, napahikab at nag unat. Sa wakas, makakauwi narin ako at makakahiga sa kama. Nakakapagod ang buong araw.
"C.R lang ako." Pagpapaalam ni Trace kaya tumango ako at umalis naman sya agad.
Kasalukuyan kong hinahalungkat ang bag ko ngayon. Asan na ba kasi yung wallet ko? Pag yun nawala, maglalakad ako pauwi.
Inalis ko na sa pagkakasakbit ang bag ko para mas madaling makapaghalungkat nang biglang may makatabig nito dahilan para mabitawan ko iyon at tumalsik sa ilalim ng lamesa malapit sakin.
"Sorry, Miss." paumanhin ng lalaki na may akay akay na lasing na lalaki. Mukhang yun ang nakabangga sakin kaya tumango nalang ako. Nang makalabas na sila ng bar ay kinuha ko na ang bag ko ngunit may natapon na laman nito kaya kailangan ko muna itong kunin.
"Gotcha." At sa wakas ay nakita ko narin ang wallet kong kasama sa natapon sa sahig. Kung hindi pa ako mababangga ng lasing na yon, hindi ko pa 'to makikita.
Patayo na sana ako nang may mapansin ako sa ilalim ng table. Agad kong sinilip iyon at napakunot ang noo ko nang makita kung ano ang meron don.
Bubblegums. Sobrang daming bubblegums ang nakadikit sa ilalim ng table. It was almost full of bubblegums. What the heck is this?
"Is this yours, Ms. Laureen?" Muntik na akong mapatalon sa gulat nang may biglang magsalita sa tabi ko. Dun ko nakita si Sir Lorenzo na hawak ang notebook ko na mukhang isa sa natapon galing sa bag ko.
"Ah, opo." Sambit ko at kinuha iyon sa kamay nya. Nakaupo rin ito gaya ko kaya nagawa nya ring silipin ang ilalim ng table na puno ng bubblegums. Bigla syang natawa dahil don.
"Do you know who did this?" Tanong nya at tinuro ang mga bubblegum na nakadikit sa ilalim ng table. Umiling naman ako bilang sagot pero napakunot ang noo ko nang matawa na naman sya.
"Ikaw po ba ang gumawa nyan?" Tanong ko kaya tumingin sya sakin at tumango kaya tumaas ang kilay ko.
"Hindi ba kapani-paniwala?" Tanong nito kaya umiling ako. He doesn't seem like someone who will do such things like this.
"Ang lamog po eh." natawa na naman sya kaya natawa narin ako.
"Actually, I did that with someone." Pinagmasdan nya ang mga bubblegum na nakadikit.
"Sino po?" Tumingin sya sakin dahil sa tanong ko kaya ngumiti na naman sya.
"The craziest person that I've ever met."
《PAST LIFE》
-Annys Caragon-
________________
Date: October 24, 1997
Thursday
10:57pm
________________"What are you eating?" Napatingin sakin si Lorenzo nang tanungin ko sya. Binuka nya ang bibig nya at dun ko nakita ang bubblegum na kanina nya pa nginunguya.
BINABASA MO ANG
This Another Life
RomanceA sweet love story of Lorenzo and Annys has ended when Annys died Until a new baby girl was born that was named Laureen- A reborn of Annys Caragon in Another Life. Lorenzo continued his life while the other one starts her life again. But the sad t...