Another 5: Messed up

112 14 1
                                    

Multimedia: Yeoj, Michie, Annys, Lorenzo

Featured song: Minsan, Huling Elbimbo— Eraserheads

PAST LIFE

-Annys Caragon-
__________________
Date: September 29, 1997
Friday
4:34 pm
__________________

Minsan sa may kalayaan tayo'y nagkatagpuan
May mga sariling gimik at kaya-kanyang hangad sa buhay

We caught everyone's attention in this bar when Yeoj started playing his guitar while singing. Lalo naming naagaw ang atensyon nila nang sumabay na kami sa pagtugtog ng mga instrumentong hawak namin.

Sa ilalim ng iisang bubong
Mga sikretong ibinubulong
Kahit na anong mangyari
Kahit na saan ka man patungo

Nagsimula silang sumabay at humiyaw kaya hindi ko maiwasang mapangiti.

Ngunit ngayon
kay bilis maglaho ng kahapon
Sana'y huwag kalimutan
ang ating mga pinagsamahan

Mas lalo silang sumabay samin ngunit napakunot ang noo ko nang mapansin kong namamali ng pagtipa ng gitara si Yeoj. Mukhang napansin din yon nina Lorenzo at Michie kaya nagkatinginan kami.

At kung sakaling gipitin ay laging iisipin
Na minsan tayo ay naging
Tunay na magkaibigan

Nakahinga ako ng maluwag nang magawa naman ng tama ni Yeoj ang paggigitara hanggang sa matapos ang chorus ng kanta.

Ngunit nang gagawin nya na ang adlib ay biglang naputol ang string ng gitara nya dahilan para hindi sya makasabay sa pagtugtog.

"Shit!" Mura ni Yeoj sa mismong mic kaya narinig iyon sa buong bar.

Mukhang nalito na si Michie nang mawala ang tunog ng gitara kaya napatingil ito.

Bigla namang may tumalsik na bagay sa harap ko kaya napatingin ako don. Isang drum stick. Agad kong tiningnan si Lorenzo na may isa nalang na ginagamit na drum stick sa kanang kamay nya habang nagkakamot sa ulo.

Wala nang tumutugtog ng gitara, wala naring bass, pangit na ang tunog ng drum kaya wala akong nagawa kundi ang tumigil narin sa pago-organ.

Napabuntong hininga nalang ako sa pagkadismaya at isa lang ang nasa isip ko ngayon.

We're messed up.

"Ang bagal bagal na nga ng kanta, naputol pa string ng gitara mo." Singhal ni Lorenzo kaya tiningnan sya ng masama ni Yeoj.

"Kasalanan ko bang bulok na string ng gitarang yon? Ikaw nga tumalsik pa drum stick mo e. Makasisi ka dyan e mas tanga ka naman." Sagot naman ni Yeoj kaya sumama ang mukha ni Lorenzo. Kanina pa sila nagbabangayan dyan at rinding rindi na ko dahil sinabayan pa ito nung radyong kanina pa umaandar.

"Anong sabi mo?"

"Sabi ko, tanga ka."

This Another LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon