Kristine Imperial
"Hindi ba sya susuko?"
Tanong ko sa sarili ko habang nakatanaw sa mula sa labas ng veranda,it's been two hours already at sa loob ng dalawang oras na iyon mula nang makaalis siya ng clinic ay hindi umaalis si Vin sa tapat ng gate andoon lang sya at naghihintay.
Ni hindi pa nga ata kumakain kaya nag aalala na ako. I sighed,gustong gusto ko ng lumabas at harapin sya dahil naaawa na ako sa kalagayan ng ama ng anak ko,idagdag pang nabugbog sya nung dalawang mokong.
Sinubukan ko naman pabigyan sya ng pagkain dun sa mga katulong pero ayaw nya namang tanggapin hangga't hindi ko raw sya kinakausap.
I again sighed, masyado na ba akong naging malupit?
Pero natatakot lang naman ako ehh, hindi ko naman sinabing gawin nya ang lahat ng ito...
Tapos ngayon ako pa tuloy yung makokonsensya!hays!
Bumigat ang paghinga ko habang nakatingin sa labas.
Hanggang sa magtagpo nanaman ang paningin namin.
Napaiwas ako ng tingin saka pumasok na sa loob ng kwarto ko at isinara ang wooden double door saka napasandal roon at mariing napapikit nalamang.
"No....hindi pwede,minsan na akong nasaktan,hindi ka pa ba natuto kris?"
Pagkausap ko sa sarili ko.
I was traumatized by my ex and I know that Vin is completely different and yet I can't help but feel scared specially when I found out that he lied to me.
Were not even in a relationship, but I felt like he just made a fool out of me.
How can I trust him? how can I committ myself to someone that I don't trust?
Can't I distance myself to someone who lied to me? I just wanted to heal and protect myself from heart aches but he's making it hard for me.
But he haven't had dinner yet..
"Fine...."
Huminga muna ako ng malalim saka dali daling bumaba,nakasalubong ko pa si Nick at Lucas na kunot noong napatingin saakin.
"It's alread 11 pm kris masama sa mga buntis magpuyat."
Saad nito na nagpahugot saakin ng marahas na hininga.
"Don't tell me pupuntahan mo si Vin?"
Segunda ni Lucas na dahan dahang nagpatango saakin.
"Hindi ba kayo naaawa?"
Tanong ko,saglit na nagkatinginan ang magbest friend saka nagkibit balikat lamang na tumingin saakin.
"Hindi"
"Bagay lang sakanya yun."
Diretsahang sabay pang sabi ng dalawa.
"So okay lang na mamatay sya dun?"
"Pwede rin."
Marahas nalamang akong napabuga ng hangin saka desididong tumingin sakanila.
"Kung sainyo okay saakin hindi...a-ayoko namang mawalan ng daddy itong baby ko"
Nag iwas ako ng tingin roon.
"Asus ang sabihin mo ayaw mo lang mawalan ng magpapaligaya sayo gabi gabi na kabilang sa mga rare type pokemon na may malalaking kargada."
Sinamaan ko ng tingin si Lucas na nagpangisi lang sa dalawa saka sabay pang nakipag apir sa isa't isa.
Hindi ko na sila pinansin at nagdirediretso na sa pintuan, narinig ko pa ang ilang beses na pagtawag nila sa pangalan ko para pigilan ako pero hindi na talaga kaya ng konsyensya kong makitang ganito si Vin.
BINABASA MO ANG
Bachelor Series #2:His Possession(Completed)
Romantik[Bachelor Series Book 2:His Possession] "You have driven me to the brink of madness, where thoughts of you consume every fiber of my being. You've become so ingrained in me that it feels like you're the very breath that gives me life. I've fallen fo...