P R O L O G U E

62.1K 1.1K 118
                                    

Dedicated to Imjustarandomgirl18 😊😊😊

***

"Fvck ang gwapo mo talaga Vin"

Todo ngiting saad ni Vin habang nakaharap sa salamin ng kwarto nya. Mag kakalahating oras narin syang naroroon at sinasamba ang kakisigan nya habang may malapad na ngiti sakanyang muka. Inamoy amoy pa nya ang sarili saka muling napangiti.

Vin glanced at the boque of red roses he bought for that woman. Ibang iba ito sa lahat ng mga babaeng nakilala nya, kaya nga balak nya itong seryosohin. He likes her a lot, maganda kasi ito saka sexy, idagdag pang mayaman rin ang pamilyang kinabibilangan nito.

Althea Ramirez, mahigit isang taon nya narin itong pinipeste at nililigawan.

Pero hindi ibig sabihing nililigawan nya ito ay matitigil ang sex life nya. Where's the fun on that? Sa susunod na sya titigil kapag sinagot na sya nito at ito na ang bahalang pumuno sa pangangailangan nya.

Well he's a man, and he has needs, hindi nya ugaling itigil iyon para sa isang babae lang.

Ang hindi lang nya maintindihan ay kung bakit napakapakipot ni Althea at isang taon na eh hindi parin sya sinasagot.

Well he likes Althea and He likes challenges kaya siguro hindi parin sya sumusuko, at gagawin nya ang lahat manalo lang sa puso nito.

"Ang gwapo mo Vin, may abs ka, mayaman ka, matangkad,mabango,matalino ang laki mo pa. Ano pang hahanapin ni Althea?"

Napailing nalang sya sa mga pinagsasabi niya, para syang baliw na kinakausap ang sarili sa salamin.

Nasa tamang edad na kasi siya at si Althea ang pinakamatino sa mga babaeng nagugustuhan niya, kaya naman ito nalang ang pinili niyang seryosohin.

Kinuha na nya ang bulaklak saka napagdesisyunang lumabas na patungo sa condo unit ni Althea.

***

"Hi sexy."

Masiglang bungad nya pagbukas na pagbukas ni Althea Ramirez ng pintuan. Althea groaned in irritation as she rolled her eyes on him saka hinablot ang bulaklak sa kamay nya. 

Agad namang pumasok si Vin habang may ngising naglalaro sa labi.

"Ano nanaman bang kailangan mo Vin? Sabi naman sayo ay tumigil ka na sa panliligaw dahil wala kang pag asa saakin"

Nakahalukipkip nitong saad saka inirapan ang manliligaw na alam niyang hindi naman talaga seryoso sakaniya dahil sa pagkababaero nito. Nagsalubong ang mga kilay ni Vin nang marinig ang sinabi ng dalaga.

"Eh bat mo tinanggap yang bulaklak?"

"Eh para kanino mo ba binili?"

Althea arched an eyebrow, napakamot ulo siya doon.

"Sayo----"

"Eh yun naman pala eh!  Para sakin mo binili kaya malamang tatanggapin ko, tonta!"

Mataray nitong sambit na marahas nalamang na napabuga ng hangin sakaniya at napailing. Hindi niya maintindihan kung bakit ganitong nagpapakipot ang dalaga, gayong satingin niya ay full package naman na siya.

"So sasagutin mo na ba----"

"Hindi kita gusto."

The woman shrugged, napahawak pa si Vin sa dib-dib nya sa pwesto ng kanyang puso saka umaktong nasasaktan.

"Awit!"

He frowned.

"You wounded my heart again baby!"

Reklamo nya na nagpairap lang kay Altheah, minsan ay naiisip niyang takas sa mental itong kausap o di kaya'y nag aadik.

"Ano bang kailangan kong gawin para sagutin mo na ako?"

Kunot noong seryosong tanong nya habang nakatingin ng diretso sa mga mata nito.

"Wala----"

Napatigil si Altheah saka ngumiti ng malapad na para bang biglang may naisip na napakagandang edeya. And Vin didn't like that smile of hers, he knows that smile.

"No. I won't do it, uutuin mo nanaman ako eh! Last time I check pinagbakasyon moko sa rehab at pinagkunwaring adik sa loob ng isang linggo!For a damn one week altheah! Pero di mo naman ako sinagot"

Nakasimangot na reklamo niya, malakas na tumawa si Altheah nang maalala iyon.

"I was just testing you of course! Malay ko bang gagawin mo talaga! Saka correction ha? kulang ng isang oras! six hours and 23 hours ka lang doon kaya hindi kita sinagot."

She shrugged.

"Stop it Altheah"

He said iritatedly. Well he likes Althea, that's why he did what she asked him to do. Wala namang mawawala at satingin niya pa'y makapagbibigay ng motivation at inspirasyon ang kagwapuhan niya sa mga adik upang magbago dahil nakakapangit ang shabu.

Isinama pa nga niya ang kaibigang si Matteo sa pagbabakasyon doon para may karamay siya.

"Okay eto seryoso na ako dito, promise!walang halong biro! maputol man yang kaligayahan mo, di talaga ako nagbibiro!"

Saad ng babae saka itinaas pa ang kanang kanay na para bang nagpapanatang makabayan.

"Nadamay pa kaligayahan ko"

Nakangusong bulong ni Vin na nagpangisi lang kay Altheah.

"Diba meron din kayong mental hospital na pagmamay ari? parang masayang magbakasyon dun?"

"Edi ikaw magbakasyon dun"

Pambabara nya dito dahilan para pukulan sya nito ng masamang tingin.

"Gusto mo di kita sagutin?"

Nakataas isang kilay na sabi nito.

"Sabi ko nga"

Napatikom nalang sya ng bibig.

"Eto seryoso Vin pag nagawa mo to bilib na ako sayo, sasagutin talaga kita!"

Ngumiti ito ng malademonyo.

"Stay in a mental hospital and be a psycho for a one freakin month..."

Oh freakin no fvckin way I'd do that! Masyado akong gwapo para maging baliw!

Bachelor Series #2:His Possession(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon