Kristine Imperial
"Five hundred thousand!"
Pagtawad ko kay ruby nang bumisita ito ngayon saakin at kasalukuyang nasa opisina ko.
"No deal! Eight hundred thousand!"
"Muka ka talagang perang babae ka! Six hundred thousand!"
Iritang sambit ko na nagpairap sakaniya.
"Six hundred fifty thousand dollars, last."
Marahas nalamang akong napabuntong hininga at sinimangutan sya.
"Fine deal!"
Iritang sabi ko saka hinablot yung pouch sakanya,putek tong babaeng to napaka talaga! Sarap palunukin ng bubog eh! Sabi nya may pasalubong sya sakin galing italy yung pinapangarap kong luxurious handbag na nagkakahalaga ng two million us dollars.
Pababayaran naman pala! Pano naman naging pasalubong yun aber?! Though ang mura nga naman ng benta niya saakin.
"Yown! I will expect your payment in my bank account. Nakamura ka na nga kung tutuusin, rereklamo ka pa."
Ngising saad nya na nagpairap saakin.
"Napakamukang pera mo talagang babae ka! Sabi mo kasi pasalubong!"
Inis na sabi ko, pasalamat talaga sya at gustong gusto ko tong hand bag na to.
"Kaya pala center of attraction ako lagi kasi muka akong pera."
Ngising sabi nya na lalong nagpasimangot saakin.
"Hays sarap mong kalbuhin!"
"Sarap lang wag na kalbuhin papangit ako ayaw ko namang maging magkamuka tayo."
Sinamaan ko ito ng tingin pero tinawanan lang ako nito saka tumayo na.
"Anyways masyado akong busy pero maganda parin kaya aalis na ako, pakasaya ka dito tutal ay bagay ka naman dito kasi sira ulo ka! babye!"
Tumawa pa ito ng malakas saka umalis na sa opisina ko.
Napailing nalang ako sa kalokohan ng babaeng yun. Minsan nga parang gusto ko ng ikulong dito dahil sa lakas ng toyo nya sa utak maluwag na ang tornilyo buyset!
"Kagi bunshin technique!"
Narinig ko mula sa labas yung pasyente na ayaw uminom ng gamot. Pasyente iyon ni Doc Malou Wang kaya siya nalang ang ang bahala.
Natawa nalang ako nang makita mula sa bukas na pintuan ng opisina kong tumatakbo silang nasa likod ang mga kamay na para bang mga ninja ng naruto at hinahabol sila ng mga nurses.
Napailing nalang ako dahil sanay na ako sa mga ganitong pagkakataon.
Napangalumbaba nalamang ako saka naiubob ang ulo sa lamesa ko. Sarap ding butasin ng ngala ngala saka tahiin ng kable yang si kuya!
Naalala ko nanaman yung mga nirereport saakin ni yaya Mahli Vaugh. Kaloka dumadamoves kay Saph doon sa bahay kong mukang pinupuno na nila ng kahalayan!
But then again I grinned ear to ear when I realized something. Kapag sila nagkatuluyang ibig sabihin magiging kapatid ko si Saph? My eyes glimmered with delight on the sudden realization hohoho!
But I am just wondering bakit parang di ata umaaligid ngayon si Ervin dito sa office ko? Not that I miss him nasanay lang talaga ako sa presensya nyang lagi akong ginagambala matapos takasan ang mga nurses sa morning walks nila.
Nakakaloka naman kasi yang lalaking yan, we tried naman na ibang nurse ang umasikaso sakanya kaso ayaw talaga nya hays!
As if on cue a nurse came catching her breath.
BINABASA MO ANG
Bachelor Series #2:His Possession(Completed)
Romance[Bachelor Series Book 2:His Possession] "You have driven me to the brink of madness, where thoughts of you consume every fiber of my being. You've become so ingrained in me that it feels like you're the very breath that gives me life. I've fallen fo...