Chapter 1

453 13 3
                                    

Ako si Bryan Cruz, isang High School student. Nandito ako ngayon sa school namin. Pagkapasok ko, nakita ko si Cheska, yung bestfriend ko. Nagtataka ata kayo kung bakit babae ang bestfriend ko. Masyado kasing marahas yung ibang boys namin. Sabi nga nila, "Choose your friends."

"Nagawa mo ba yung assignment?" tanong sa akin ni Cheska.

"Oo. Bakit? Kokopya ka na naman?" sabi ko sa kanya.

"Galing mo talaga! O, akin na yung notebook mo." sabay halungkat nung bag ko. Nabatukan ko nga.

"Ops! Hindi mo pa nga tinatanong kung pwede kang kumopya. Hinding- hindi na kita pahihiramin kahit kailan forever en ever!"

Binigay ko na lang sa kanya yung notebook ko sa Science. Tapos, biglang nag-slow motion yung paligid. Nagka-sparks rin! Pumasok kasi si Jane. Pero, dapat matagal nang walang sparks. Kinalimutan ko na yung mga nararamdaman ko para sa kanya. Ang hindi ko alam, kanina pa ako tinitignan ni Cheska.

"Uy, akala ko ba hindi mo na siya gusto?"

"Ah, wala!Haha! Nakita ko kasi si Gloria, pumutok yung nunal niya. Tara! Upo na tayo!"

"Sigurado ka ah?"

"Oo. Tara na nga!" hinila ko na lang siya.Tinignan ko yung kamay ko at pasmado na pala to. Grabeh talaga kapag nakakita ka ng babae.

Pumasok na yung teacher namin sa Science. Share ko lang ah, pero, ang pangit talaga ng grammar ng teacher namin ngayon na adviser rin namin. Halod lahat kami hindi siya maintindihan kapag nagsasalita siya. Mapagkumpara rin siya sa amin, kaya naman kahit teacher, kaaway namin. Ang pangalan niya nga is Glenda, kapangalan lang nung bagyo nung isang araw. Pero, nevermind.

*** Recess na! WooHoo! ***

Nakahanap na kaagad kami ni Cheska ng upuan. Ang daming tao ngayon! Siksikan sa canteen. Habang kumakain kami, biglang sumama sa amin sina Jane at si MJ. Ka-close rin namin sila. Lagi silang sumasabay sa amin kapag kakain.

"Gusto kong magnakaw." sabi ni Jane.

"Huh?!" sabay naming tatlo.

"Gusto kong ma-try magnakaw. Gusto kong ma-feel yung ganung bagay."

"Masama yung ganun Jane, pero, ano bang gusto mong nakawin?" sabi ko.

"Smart-C! Masarap yun. Isang box yung kunin natin!" sabi ni Jane.

"Wag niyo nang planuhin yan! Masama yan!"  Saway sa amin ni Cheska.

"Nagsalita ang inosente!" sabi ni MJ.

Tawanan na lang kami dun. Hanggang sa next class na. Habang nagtuturo yung teacher namin, may naisip akong plano. Mamaya ko na lang sasabihin.

*** Kriiiing!! ***

Sakit naman sa tenga nitong bell na ito. Pero, magagawa ko na ang plano ko. Ito kasi yun, si Benji, isa siya sa mga kaibigan namin na cute. Susubukan kong paglapitin si Benji at si Jane. Nalaman ko kasi na may gusto si Benji kay Jane! Sana maging matagumpay siya, di tulad ko.

***
VOTE and COMMENT

Deep InsideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon