Chapter 14

72 4 0
                                    

Hindi ko masyado na-enjoy yung movie. Ang panget kasi. Ang panget ng nakikita kong tao! Hindi ko matanggal yung tingin ko sa kanilang dalawa. Ang sweet kasi nila. Sa sobrang sweet nila, dinadaga't iniipis na sila! Kainis! Habang si Cheska halos mamatay na sa takot, ako, emotionless. Di ko nga kasi matanggal yung tingin ko sa dalawang daga. Ang negative ko mag-isip ngayon. But it has a reason, kaya okay lang, diba?

Pagkatapos ng movie, parang walang nangyari sa loob. Eto kasi yung itsura ko → → → → -_- Ganda ko noh? Refreshed na refreshed by the thrills of the movie. Naglalakad kasi kami ni Cheska ngayon papunta sa kainan. Gutom na daw kasi siya, ako rin noh! Ugh! Hindi talaga ako makaget-over sa mga nakita ko. Nagseselos ako, pramis!! Gusto kong idaan 'to sa tulog. Hanggang sa....

"Uy, Bryan, diba sila Jane at Jason yun? Anong ginagawa nila dito?" Tanong sakin ni Cheska sabay turo dun sa dalawa. Ugh! Ito na naman. $#'+ nga naman.

"Whatever! Wala akong pakialam sa kanila. Kumain na tayo bilis!" Padabog ko namang sinabi sa kanya. Pero pagkalingon ko, nanjan na sila. Nagtitigan pa nga kami eh. Agad naman akong umiwas ng tingin tapos umirap. Bigla namang nagyaya si Jane.

"Bryan, Cheska, pwede ba kayong sumama samin ni Jason. Kain tayo!" Palambing naman na sinabi ni Jane. Tapos ngayon magyayaya siya.

"Uhm, ewan ko kay Bryan kung sasama siya. Kasi pag sasama siya, sasama ako. Okay lang ba sayo Bryan?" Tanong sakin ni Cheska. Binigyan niya ako ng Ano-Na-Sasama-Ba-Tayo-O-Hindi look. Sasama ba ako o hindi? Ewan ko.

"O sige. Sasama na ako. Basta ikaw yung manglilibre ah?" Sabi ko sa kanila. Tumalon talon naman si Cheska habang si Jane at Jason parang ngumiti na rin, PARANG. Malaking tulong ito kasi hindi na kami magbabayad para sa pagkain, kung papayag silang ilibre kami.

"O sige. Ako na bahala. Marami naman akong pera ngayon, right Jason?" Pag-eexplain naman ni Jane. Tumango naman si Jason bilang sign na pumapayag na siya. Pumunta na kami sa restaurant na kakainan namin.

Pinauna na namin sina Jane at Jason habang kami nakasunod sa kanila. Binigyan ako ni Cheska ng May-Plano-Ka-Ba look. Binigyan ko naman siya ng Wala-Noh look para tahimik lang. Para kaming tanga kasi tango kami ng tango habang naglalakad.

Hanggang sa nakarating na kami sa restaurant. Ang laki! Hindi ako sure kung napuntahan ko na ba to o hindi pa kasi halos lahat ata ng restaurant nakainan na namin ni Cheska. Naghanap na kami ng upuan at nakakita rin ng mabilis. Umupo kami kaagad tapos pumili na nga oorderin. Pinili ko yung pinakamahal tapos juice tapos ice cream na XL. Hindi ko na tinignan yung presyo nung iba basta sinigurado ko na mahal yung main meal ko. Si Jason at Cheska na yung umorder kasi gusto daw ni Cheska na mag-CR na rin matapos kunin yung order. Kaming dalawa ni Jane yung naiwan sa table at sobrng tahimik talaga. Nakakabinge. Pero nakakakilig parin.

"Kayo ba ni Jason?" Nubayan! Bakit ko natanong yon?! Nakakahiya talaga!

"Eh? Pinsan ko siya. Para na kaming mag-syota kasi turing namin sa isa't isa mag-bestfriend talaga. Bakit mo naman natanong?" What?! All this time pinagseselosan ko yung pinsan niya! Napakatama nga talaga ng hinala ko ano? Mag pinsan lang pala sila. What a relief! Gumaan talaga yung pakiramdam ko matapos niyang bigkasin yung mga salitang pinsan niya lang si Jason.

"Ah. Wala naman. Haha!" Napakamot na lang ako ng ulo kasi sobrang mali nung akala ko. It takes a lot of courage para matanong yun, pero ako, biglaan lang.

"Ikaw talaga. May iniisip ka ba na something? Ang pula mo kasi." Tumayo kaagad ako tapos pumunta sa salamin at totoo ngang mapula ako. Nakakahiya talaga. Bumalik na ako sa upuan tapos nandun pa rin si Jane. Nakangiti siya sakin at ako rin, nakangiti sa kanya. Ngitian na ba ito? Bumalik na rin sila Jason at Cheska kasama yung mga pagkain. Napansin naman ni Cheska na parang namumula ako.

"Uy Bryan, namumula ka ata. Are you inlove?" Nakakalokong tanong ni Cheska. Hay nako! Kung alam niya lang kung ano yung nangyari, matutuwa yun.

"Parang" sabi ko sa kanya.

***

Happy 500+ reads! Thank you po sa patuloy na pagsuporta sa Deep Inside. Sobrang saya ko po and I Hope na kayo rin. Please Vote and Comment if you liked this part and please spread this story. Thank you po talaga and I Love you guys :)

Deep InsideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon