Naging mas malalim na ang samahan namin nila Jane. Madalas na kaming magkasabay umuwi, magkasabay kumain at minsan ay nagkukulitan. Masasabi ko ngang magkaibigan na talaga kami. Gusto ko nga 'tong ganito eh. Sana ganito lagi, pero sa mas mataas na level.
Kaya naman napagpasyahan ko na kausapin siya at tanungin kung pwede ko ba siyang ligawan. Grabe! Sobrang kinakabahan ako!
Nagkita kami sa isang park. Nakasuot ako ng polo shirt at shorts na blue. Siya naman naka dress. Umupo kami at sininulan ko ang pag uusap namin sa kung ano ang mga ginawa namin hanggang sa maging deep na ang mga pinagusapan namin.
"Jane, pwede ba kitang ligawan? " Yan na talaga. Nakasmile pa ako kahit nagbabaha na yung kamay ko sa nerbyos.
Napangiti siya at tumingin sa akin.
"Uhm, hindi pwede eh. May boyfriend na ako. "
END