Ilang minuto ko nang tinitignan ni Jason. Tinitignan ko ang bawat pagkilos niya. Tinitignan ko kung masama ba siyang tao. Baka kasi may gawin siya sa kaibigan namin si Jane.
"Hoy! Kanina mo pa tinitignan si Jason ah. Baka matunaw na yan." sabi sakin ni Cheska.
"Kailangan kong malaman kung anong klaseng tao siya." sabi ko naman sa kanya sa mababang boses.
"Para kang Agent X44." sabi niya sa upo.
"Luma na yung X44. Hindi ko man alam kung sino yung bagong Agent pero si Totally Spies na lang ako."
Hanggang sa nag recess na ang buong klase at kaming dalawa na lang ni Cheska ang natira sa classroom. Hanggang sa may narinig akong isang ingay na hindi maipaliwanag. "Aahhh!!"
"Narinig mo yon Cheska?" seryosong tanong ko sa kanya.
"Hindi eh. Sorry. Kumakain pa ako." sabi niya sabay Flip hair.
Hinila ko na lang siya at sinundan ang kinaroroonan ng ingay. Wow! Tagalog! Pero napadpad kami sa isang pintuan at may naririnig kaming kaluskos at ingay. Pagkabukas namin, Aaaaah!! Nakita namin ang isang babae na tumatae! Sinarado namin yung pintuan at tumakbo papalayo pero nag-collapse dahil sa sobrang baho.