Chapter 10

81 5 5
  • Dedicated kay Me and Miss Bez
                                    

Papunta pa lang kami sa first destination namin, nasusuka't nahihilo na ako. Sabi ko nga kanina, mas prefer ko don sa window seat kasi mas comfortable. Eh si Jane, gusto sa window seat kasi mag-pipicture pa daw siya. Hay nako! Habang siya nag-pipicture, ako naman dito, kumakain ng Mentos pampawala ng sakit ng ulo.

"Okay, malapit na tayo sa ating first destination. Ang MOA Science Hall. Sino nang nakapunta don?" tanong ng parang host dun sa bus. Nagtaasan naman ng kamay yung iba including me.

"Okay. Mukhang marami nang nakapunta. So, pag dumating na tayo don, dapat katabi niyo lagi yung seatmate niyo. Walang maghihiwalay. Okay?"

What? Kailangan hindi lubayan yung partner? T-T This will be a challenging field trip for me. Pero okay lang kasi katabi ko naman si Jane. Sa labas ko, makikita mong parang naiinis ako, pero deep inside, tuwang tuwa ako kasi siya yung katabi ko tapos hindi pa lulubayan. Tinignan ko si Jane tapos nakatingin siya sa akin tapos nakatingin rin ako sa kanya. Umiwas naman kami kaagad tapos ako parang ngingiti na pipigilan.

Dumating na kami sa first destination, at ang daming tao!! Ang init pa!! Maghihintay pa kasi kami sa isang linya. Ang dami talagang estudyante, promise. Tapos ako, naka-jacket pa rin. Tinanggal ko na kagad. Mukha akong tanga.

"Okay! Luminya kayo!! By partner dapat ang pila." sigaw nung host. Luminya naman kagad kami at ang saya kasi first pa kami na nakapasok. Yung ibang school kasi ang bagal kumilos. Lucky us!!

Pagkapasok namin, ang lamig!! Buti na lang dala ko yung jacket ko. Tong kapartner ko naman, naninigas na sa sobrang lamig. Nakakahiya naman kaya binigay ko na lang.

"Jane, oh, mukha kasing mamamatay ka." kinuha naman niya kaagad tapos sinuot. Ngumiti siya sakin at nagpasalamat.

"Thanks, Bryan." ang ganda niya. Tapos naglibot na kami sa buong hall. May fart house, yung isang kwarto na amoy utot tapos kailangan mong maka-cross sa isang door nang hindi ka nagtatakip ng ilong. Nakita rin namin si Wall-E. Tuwang tuwa namn si Jane kasi ngayon lang siguro siya nakapunta. Si Nemo rin kinausap namin. Meron ring room na gumagalaw kasi "Earthquake Room" yung tawag. Nanood rin kami ng isang short film, sa isang malaglobe na kwarto. Ang twist, sa taas ka manonood kasi nandun yung screen. Nasisira nga eh (kunwari lang) ng shark yung screen. Tuwang-tuwa kami. Chineck ko naman si Cheska at si Lui, at oh my, ang saya nila.

Pagkatapos ng film, bumalik na kami sa bus. Binalik na rin sa akin ni Jane yung jacket ko. Excited na ako sa susunod naming pupuntahan. Ang Star City!!

Deep InsideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon