The time came nung absent yung teacher namin sa Science. Terror naman siya kaya party-party!! Ang saya namin. Kaya napagplanuhan namin na maglaro. Pauso to ni Lui, yung alam niyo na :) It's called Cross Me Ri Shake. Mahirap iexplain at nakakatamad kaya naman hindi ko na sasabihin yung mechanics.
Kaming dalawa ni Jane yung unang nakatuklas na nilalaro ng mga kaibigan ni Lui yon, ginaya namin. Sa una, tawa kami ng tawa kasi ang dami naming mali, pero nang tumagal, nakuha na namin ang game. Pinraktis namin yung laro, Oo kami lang, wag kayong ano! Pero masaya naman. Masaya na Masaya siya. Drama noh?
"Uy, sali naman kami jan!" sigaw sa amin ni Cheska. Katabi ko lang naman.
"Kayo ah! Nag-sosolo!" Isa pa tong si MJ -_-
Pinasali namin sila kasi kung ano na namang isipin. Tapos nung napagod na kami, nagusap-usap kami. Kinuha ko yung mga bottled water namin.
"Grabeh! Ang saya nung game!" sabi ni Cheska na halatang pagod and at the same time masaya.
"Oo nga. Keri ko naman pala. Pwede ko tong gawin para pumayat ako." sabi ni MJ. Medyo taba kasi siya at balak niyang magpapayat.
"Pulang-pula na nga yung kamay ko eh." sabi ni Jane. Ako yung katabi niya, at malaki pa yung kamay ko. Siyempre pag pumapalakpak kami sa katabi namin, malakas yung apir ko sa kanya.
"Peace tayo :) Ganun talaga pag nagmamadali." sabay smile ko sa kanya.
"Yieee~ Kayo ah!" sabi ni Cheska.
Nag smile na lang si Jane habang ako naman, nagdedefend ng sarili ko.
"Anong Yieee?!" sigaw ko kay Cheska.
"Weh! Luma na styles mo!" sabi sakin ni Cheska.
Napangiti na lang ako. Ay nako! Kinikilabutan ako.
****
Sorry for the long update! Comment and Vote if you like Chapter 6 of Deep Inside. I need Support from the Readers!! :)