♡ CHAPTER: FOUR ♡

3.7K 66 0
                                    

♡ Secret Admirer ♡

Kinabukasan, Paglabas naming tatlo nina Milisa at Joy Anne ng gate ng bahay namin nakakita na naman ako at nakakita sila ng wild flower sa tapat ng gate ng bahay namin.

"Beh. may bulaklak, oh." Masayang sabi ni Joy Anne. saka nilimot yung bulaklak na nasa semento sa labas ng bahay namin. "May bulaklak sa tapat ng bahay niyo, oh. sa iyo yata 'to. yiee may secret admirer siya, oh. ano ba 'yan? kayo, ha. lumalove life na kayo diyaan, ha. ako na lang wala." Sabi niya pa.

"Joy Anne, ano ba? ilayo mo nga sa akin 'yan. magkakaallergi na naman ako niyan, eh." Kunot noong sabi naman ni Milisa habang tinatakpan niya ang ilong niya.

"Mian. oh." Sabi ni Joy Anne saka inabot sa akin yung wild flower.

"I don't like. Itapon mo na lang 'yan, kung gusto mo? o 'di kaya naman sa iyo na lang at iuwi mo na lang sa bahay niyo." Walang ganang sabi ko. "Saka alam mo namang may allergi si Milisa sa bulaklak 'diba? kaya mas mabuti kung itatago o itapon mo na lang 'yan at tara na." Sabi ko.

"Okay.. sige. akin na lang. sayang kasi, eh. mukhang hate mo na rin ang mga flowers ngayon." Sabi niya. "Sayang naman binibili at ibinibigay na mga bulaklak sa inyo ng mga manliligaw niyo. tinatanggihan niyo lang." Sabi niya pa.

"So what? let's go na nga." Inip na sabi ko.

"Pero Amanda. You know what? kung wala lang talaga akong allergi sa mga flowers at tapos si Seb pa ang nagbigay sa akin niyan. nako gay baka ay tinanggap ko na." Singit naman ni Milisa.

"Edi kayo tumanggap. wala akong paki alam. diyan na nga kayo." Sabi ko saka ko tinawag si Kuya Tim. fiancè na siya ni Ate Emerald na driver namin.

"Hoy! Amanda! wait! Amanda wait lang sabi, ehh." Rinig kong sigaw nila ng akmang sasakay na ako ng kotse namin.

"Ano?! Kung ayaw niyo pang umalis para pumasok sa school pwes ako? gusto ko! gusto ng matapos ang araw na 'to."

"Amanda ano bang nangyayari sa iyo? ano bang problema mo? 'Diba sabi mo kung may problema ako sa inyo o kung may ayaw ako sabihin ko sa inyo, eh bakit ikaw 'to ngayong kinikimkim mo 'yang sama ng loob mo kung meron ka ngang sama ng loob sa amin?!" Iritang sigaw ni Milisa. At sisigawan ko rin sana siya dahil medyo na inis ako sakaniya dahil sinigawan niya ako pero natahimik rin ako ng magsalita si Joy Anne at malungkot ang boses niya.

"Milisa, Amanda wag kayong magaway." Malungkot na sabi sa amin ni Joy Anne. "Ayokong nakikita na nagaaway tayong magkakaibigan. magkakaibigan tayo, eh dapat nagdadamayan tayo. kung may problema tayo sa isa't isa pwede naman natin iyong pagusapan." Sabi niya.

"I'm sorry." Sabi ni Milisa. Naisip ko lang na dapat rin akong magsorry dahil hindi ko dapat pinairal kung ano ang nararamdaman ko ngayon. alam ko na dahil ito sa sakit na nararadaman ko ngayon. dahil nagseselos ako. nagseselos ako sa bestfriend ko at sobra akong naiinis sa sarili ko dahil nagseselos ako sa bestfriend ko. T_T

"I'm sorry din. i'm sorry Milisa at sa iyo din Joy Anne. kung nasasaktan ka namin dahil sa pagaaway namin at sorry Milisa. sorry kung nasasaktan ko kayo dahil ganito ako sa inyo ngayon. pasensiya na. pero.. mauna na ako. kailangan ko na munang mapagisa. wag niyo na lang muna akong pansinin sa school at sunduin sa bahay hangga't hindi pa ako okay. sige na mauna na ako, mauna na kami. kuya timmy tara na po. alis na po tayo." Sabi ko saka na sumakay ng kotse namin.

ONE SIDED LOVE STORY [TEEN FICTION || COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon