♡ JOY ANNE'S SPECIAL CHAPTER ♡

3.5K 48 0
                                    

♡ Family, Friendship And Love life ♡

♡ JOY ANNE'S POINT OF VIEW ♡

Graduation na namin ngayon at katatapos lang ng graduation namin at habang nagpi-picture picture-ran kami ng pamilya ko ay biglang may tumawag sa pangalan ko.

"Joanne!"

"Joy Anne!"

Hinihingal at habang tumatakbo papunta sa pwesto namin na tawag sa akin nina Milisa at Jonnathan at kasama rin nila sa likuran nila si Jl na naglalakad lang naman. kaya napalingon ako sakanila.

"Ah.. bakit?" Tanong ko. nang tumigil sila sa harapan ko at kaya napaharap ako sakanila. Medyo nailang ako sa presensya niya at ni Jl nang maalala ko na ngayon ko na lang ulit siya nakaharap at nakausap.

"Nagtext kay Jonnathan si Seb na paalis na raw papuntang america si Amanda ngayon. at kung hindi natin siya maabutan ngayon baka ito na yung last chance natin na mabuo ulit na magkakaibigan o makapagsorry man lang sakaniya dahil baka daw matagalan or worse hindi na bumalik rito si Amanda at duon na siya magaral at susunod na lang daw duon sina Tita Annika at Tito Kurth." Sabi niya. at napaisip ako dahil sa sinabi niya.

Simula nang magkawatak watak kami, simula nung pinili ni Amanda na lumayo muna at layuan muna kami. nawala at lumayo na rin si Milisa kaya naiwan akong magisa at duon ko siya nakilala. pero matapos rin naman nuon ay bumalik at binalikan rin naman ako ni Amanda pero ako naman ang nawala sa tabi niya dahil ako naman ang nangiwan sakaniya. pinagpalit ko nga siya kay Jonnathan. mas pinili ko na palaging si Jonnathan ang makasama ko kaysa sakaniya. kaya nagalit siya sa akin. hindi ko naman siya masisi duon kung magalit man siya sa akin dahil duon. kahit ako din naman ay hindi naging mabuting kaibigan sakaniya. Nuong panahon na binalikan niya ako ay hindi ko siya pinahalagahan. puro si Milisa ang inaalala ko dahil akala ko siya ang pinakawawa sa aming tatlo at dahil sa akala ko na magisa lang siya. pero ang totoo ay masaya na siya na nakakasama niya si Jl. hindi ko inisip na maari siyang masaktan dahil siya ang nasa sa tabi ko pero ano? si Milisa pa rin ang iniisip ko. at nuong kumalat iyong picture ni Milisa siya na naman ang nagmukhang masamang kaibigan sa paningin ko tapos mas pinili ko pa si Jonnathan na palagi ang kasama ko kaysa sakaniya na bestfriend ko. kaya ang sama sama ko nga talagang kaibigan.

But this time, i will regret if ever i will not say sorry to her for being not a good friend to her. Kaya naman kailangan kong makapagsorry man lang sakaniya. kung hindi man niya kami mapatawad at least 'diba? nakapagsorry kami sakaniya. at kung hindi man niya kami matanggap bilang kaibigan niya ulit. tatanggapin na lang naman namin yu'n dahil may karapatan naman siyang hindi kami tanggapin bilang mga kaibigan niya ulit dahil hindi naman kami naging mabuting kaibigan sakaniya. kaya ngayon kailangan naming makapagsorry man lang sakaniya kahit hindi niya kami tanggapin ulit bilang mga kaibigan niya.

"Pitong taon tayong naging magkakaibigan. at nasaktan ko siya dahil ako yung pinili ng taong mahal niya tapos iniwan ko pa siya. kaya hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag hindi man lang ako makapagsorry sakaniya. kahit na hindi na niya tayo tanggapin bilang kaibigan niya at kahit na hindi na niya tayo mapatawad. okay lang. at least sinubukan natin at nakapagsorry man lang tayo sakaniya." Sabi niya at parehong pareho nga kami ng iniisip. kaya tumango ako.

"Sige. tara na. kailangan na natin siyang puntahan baka hindi na natin siya maabutan." Sabi ko at tumango siya.

"Sige. tara na." Sabi niya at saka na kami tumakbo palabas ng school pero bago kami makalayo paalis ay lumingon ako kina mama at papa na nasa likuran "Mama, papa! kailangan na po naming umalis para maabutan namin si Amanda." Paalam ko. nang lumingon ako sakanila at ngumiti naman sila.

ONE SIDED LOVE STORY [TEEN FICTION || COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon