October pa nung sinimulan kong isulat ang kwentong to na balak ko sanang isali sa isang website tungkol sa mga aspiring writers - - - - LOVE STORY Edition (haha oo yan talaga ang sinalihan ko.)
Pero hanggang natapos na yung contest at may nanalo na, hindi ko pa din natapos, di ko na tinuloy. Ewan ko, para kasing nawalan ako ng gana. Nung inumpisahan ko kasi tong isulat, napaka-inspired ko, pero simula nung nangyari yun, nawala na yung pagka-inspired ko. Tinamad na ko kasi nakakawalang gana na lang talaga yang mga pag-ibig pag ibig na yan. (BITTER?) haha hindi, namulat na lang siguro ako sa katotohanan na hindi totoo at hindi nag-eexist yang sinasabi nilang pag-ibig na yan! (Charaught!)
Pero dahil ayokong may naiiwan akong hindi tapos pinilit ko tong tapusin kahit July na at mag-iisang taon na at kahit wala na ding kapupuntahan tong kwento ko.
Pagpasensyahan nyo na lang tong kabaliwan ko. Dito man lang magkaroon ng katotohanan ang sinasabi nilang HAPPY ENDING.
BINABASA MO ANG
True Love Waits..
RomanceMula pagkabata ay itinangi na ni Althea si Iñigo sa puso niya. Pero isang bagay ang naganap para malayo siya dito. Pagbalik niya ay ibang-iba na ang pagkatao niya pero hindi pa din siya pansin nito. Sino ba kasi ang nagpauso na bawal ang babae ang u...