“Hello everybody!” malakas na sigaw nito na dumagundong sa buong kusina.
Biglang kumabog ang dibdib niya, bigla niyang naisip kung bakit after all those years ay hindi niya nakalimutan ang boses na yun.
“O hijo, anong nakain mo at naisipan mo kaming puntahan ngayon?” tanong ng daddy nito.
“Actually hindi pa nga ako kumakain..” tumawa ito. “..wala lang, na-miss ko lang kayo. Bakit ayaw nyo ba?”
Napatingin ito sa gawi niya. “Mukhang may bisita tayo, hindi nyo ba ako ipapakilala?”
“Hindi naman, hindi lang kami sanay na andito ka. Halika saluhan mo na kami dito. By the way, si Althea, remember?”
“Hmm.. How could I forget her?” nakangiting tumingin ito sa kanya.
“Iñigo..” saway ng mommy nito.
Ngumiti ito. “Sige mom, aakyat muna ako. Babalik din ako para sumalo sa inyo.”
Nang marinig niya ang sinabi nito ay ginawa niya ang lahat para matapos ang kinakain dahil ayaw niyang makasalo ito. Mukhang nahalata naman ito ng kaibigan niya kaya nagmadali na din ito.
Nasa salas na sila ni Denise at nagkukwentuhan nang bumaba ito. Bagong ligo na ito at nakasuot ng shorts at sandong puti.
“Bakit mo naman naisipan dumalaw?” tanong ni Denise sa kuya nito.
“Masama na bang dumalaw? Hindi na ba ako welcome sa bahay na ‘to?”
“Hindi naman. Kasi sa hinaba-haba ng panahon, ngayon ka lang ata naligaw dito.”
Hindi na ito sumagot, tumingin ito sa gawi niya kaya nagkatinginan sila, pero maya-maya lang ay umalis na ito at pumunta sa kusina.
Nang makaalis ito, nagpaalam siya sa kaibigan na aakyat na siya sa kwarto niya. Naintindihan naman siya nito kaya tumango na ito.
Kumakain sila ng almusal ng araw na iyon nang ayain siya ni Denise na kumain sa labas.
“Madami pa nga pala akong kailangan bilhin para sa kasal. At saka makakapamasyal ka pa. Simula nung dumating ka di pa kita naiilabas diba?”
Pagkatapos nilang kumain ay naligo na sila at nagahanda sa pag-alis. Dalawa lang sila umalis kaya’t ito ang nagdrive papuntang mall. Namili lang ito ng mga kailangan nila at nang mapagod ay nag-aya na itong kumain dahil lampas lunch time na din.
Abala sila sa pagkukuwentuhan at pagkain nang mapansin nila si Iñigo na papasok din ng restaurant na iyon. Pero hindi ito nag-iisa, umupo ito sa di-kalayuan kasama ang isang matandang lalaki at dahil sa hindi miminsang pagkunot ng noo nito ay nahinuha niyang seryoso ang piang-uusapan ng mga ito.
Paglipas lang ng ilang sandali ay nagpaalam na ang kausap nito ngunit nagpaiwan ito sandali. Sinamantala naman iyon ni Denise para tawagin ito.
“O, narito din pala kayo.” Gulat na sabi nito.
“Oo kuya, nagutom kasi kami sa pagbili ng mga gamit na ‘to. Pero pagkatapos nito..” hindi pa nito natatapos ang sinasabi nito ay biglang nag-ring ang phone nito at lumayo sa kanilang dalawa ng kuya nito pagkatapos mag-excuse.
Nang maiwan silang dalawa ni Iñigo ay nagkaroon sila ng pagkakataon magkasarilinan. Hindi naman niya ito pinansin dahil sinabi na niya sa sariling hinding-hindi siya magbubukas ng topic kaya nagpatuloy na lang siya sa pagkain. Siguro ay hindi na ito makatiis sa katahimikan nila kaya nagsalita na ito.
“Ang tagal mong nawala.. So how’s states?”
“Ganun pa din, malamig pa rin.” Hindi niya alam ang kanyang isasagot dahil nanginginig siya at kinakabahan. Di niya maintindihan kung bakit ilang taon na ang lumipas ay ganun pa din ang dating nito sa kanya.
BINABASA MO ANG
True Love Waits..
RomanceMula pagkabata ay itinangi na ni Althea si Iñigo sa puso niya. Pero isang bagay ang naganap para malayo siya dito. Pagbalik niya ay ibang-iba na ang pagkatao niya pero hindi pa din siya pansin nito. Sino ba kasi ang nagpauso na bawal ang babae ang u...