Maghahatinggabi na ay nasa kalsada pa si Iñigo at nag-iikot sa subdivision nila habang nakasakay sa kotse niya nang maisip niyang si Denise lang ang makakatulong sa problema niya. Pagdating niya sa bahay nila ay dumiretso siya sa kwarto ng kapatid at kumatok nang masigurong gising pa ito.
“Hi dada, nakakaistorbo ba ako?”
Dada ang nakasanayan niyang tawag sa kapatid simula nung bata pa sila. Nung medyo lumalaki na sila ay tinatawag na niya ito sa totoong pangalan dahil ayaw na nito magapatawag sa pet name nito maliban na lang kung naglalambing siya dito.
“Hindi naman. Nagpapaantok lang ako. O anong masamang hangin ang naghatid sa’yo dito?”
“Wala naman. Naisip ko lang na antagal na since nung huli tayong nakapag-usap. Naaalala ko nung birthday mo pa nung isang taon yun di’ba?”
“Sus kunwari ka pa. Alam ko na pag tinatawag mo ko ng ganyan, either may ginawa kang kasalanan or.. may hihingin kang pabor!”
“Grabe ka naman. Na-miss naman talaga kita eh..”
“O sige na sige na. Ayaw mo pa kasing umamin. If I know si Thea lang naman talaga ang gusto mong pag-usapan natin diba?” nanunuksong sabi nito.
“Ha? Pano mo nalaman?” takang tanong niya dahil wala pa naman siyang sinasabi dito.
“Naku naman! Ako pa? Kung hindi ko pa alam, binibili mo lahat ng magazines na may pictures niya. Nakita ko nung last time na nagpunta ako sa condo mo. Kaya wala ka ng maiitago sa’kin. At If I know, nagsisisi ka na kasi hindi mo pa siya pinatulan noon.”
“Hindi naman, naisip ko lang, kung pinatulan ko siguro siya noon, hindi na siguro siya makakarating sa ganitong estado ngayon.”
“Sabagay..” sandali itong natahimik. “Bakit ba? Ano bang gusto mong malaman kay Thea?”
“Ahm, may gustosanaakong itanong sa’yo eh.” sabay kamot sa batok nito.
“Ano nga?”
“May boyfriend na ba siya?”
Nag-isip ito sandali. “Teka, ang alam ko, maliban kay Cedrick na hiniwalayan niya noon, never na siya nagka-boyfriend ulit kasi maliban sa takot na siyang masaktan ulit, nagconcentrate na lang siya sa trabaho niya.” Sandali itong napatigil at napatingin sa kanya. “O diba? Sabi ko na nga ba eh! May gusto ka talaga kay Thea! Umamin ka na kasi!”
“Oo na.. Oo.. Sige basta secret lang muna natin to ah!”
“Sure!” sabi nitong kumindat pa sa kanya.
Masaya siyang lumabas sa kwarto ng kapatid dahil sa nalamang single pa din ito. Pero maya-maya lang ay nawala na din ang ngiti niya nang maisip na hindi naman na siya sigurado kung may pagtingin pa din si Thea sa kanya. After all, lahat naman ng gusto naiiba. Lalo na kung katulad nila na sobrang tagal nagkahiwalay. Sa dami ng suitors nito ay imposibleng mapansin pa siya nito. Kaya kung dati naghahabol ito sa kanya, posible ngayon hindi na.
Maaga pa kinabukasan ay nakita na ni Iñigo si Althea sa hardin na nagtitingin ng mga tanim ng mommy niya.
“Ahmm..” umubo siya para makuha ang atensyon nito.
Napalingon ito. “O, gising ka na pala? Kanina ka pa diyan?” ngumiti ito pagkakita sa kanya.
“Ah, medyo..” sagot niya.
Tumingin uli ito sa kanya nang mapansin nitong nakatingin siya dito.
“O may problema ba?”
“Ahm.. May sasabihin sana ako sa’yo eh.” Kumamot siya sa batok niya na parang nahihiya dahil hindi niya masabi dito ang gustong sabihin.
“Ano yun? Sige na sabihin mo na, wag ka ng mahiya.”
“Gusto sana kita i-invite sa Championship game ng team namin sa Saturday.”
“Sige, kung pupunta sila Denise, edi sasama ako.” Pakiramdam niya ay lumutang siya nang ngumiti ito sa kanya.
Kasalukuyang nagsasalita si Iñigo sa mga players niya nang i-announce ng nasa harap na nakita na ng mga ito ang face of the day at hindi na din siya nagtaka nung makita si Althea sa screen. Napatitig siya sa monitor ng mahabang sandali at nagulat na lang siya nang bigla siyang tapikin ni Vincent.
“Uy tol, diba international model yan? Gandang-ganda ako diyan dati pa, lalo na nung na-feature siya sa isang TV show saEurope. Pero teka, kapatid mo ba yung kasama niya? Magkakilala kayo?” sunod sunod na tanong nito sa kanya.
Napakunot ang noo niya na lumingon dito. “Siya yung sinasabi kong dumating na bestfriend ni Denise.” Tipid niyang sagot.
Tiningnan siya ng kaibigan na parang nagtataka. Marahil ay napansin nito ang pagkainis sa boses niya. Bigla naman siyang natauhan, dahil kahit siya, hindi din niya alam sa sarili niya kung bakit siya biglang nagalit sa simpleng tanong nito gayong bestfriend niya ito.
Napaisip siya, bakit si Stephanie, kapag pinupuri ng iba ay hindi naman siya nagagalit. Naalala niya tuloy ang spoiled brat niyang girlfriend, nakipagkalas na siya dito last week dahil sa nakakainis nitong ugali. Masyado na itong selosa at kahit ang mga kaibigan niya ay pinagseselosan na nito. Mahilig siya nitong ipahiya, hindi ito namimili ng lugar para mag-eskandalo.
To the point na sinugod at sinabunutan nito si Rheanne, isang kaibigan niya, nung makita sila nitong nagtatawanan sa isang party. Hindi na siya nakapagtimpi at nanggigil siya kaya nakipag-break na siya. Umiyak ito ng umiyak pero wala na siyang planong balikan pa ito dahil nagsasawa na siya sa mga pagna-nag nito sa kanya.
‘Pero bakit noon, kahit galit na galit ka na, kahit punong-puno ka na sa kanya, hindi mo siya sinasaktan at hindi mo naiisip makipaghiwalay?’ bulong ng isip niya. Hindi niya alam, pero simula nung dumating si Althea lahat nagbago na.
Bumalik lang siya sa sarili nang marinig ang sigawan ng mga tao at ang hudyat ng pagkakapanalo ng team nila.
Nakasakay na siya sa kotse niya nang makita niya itong pasakay na sa sasakyan ni Andrew at sigurado siyang pauwi na ang mga ito. Nakita pa niya si Vincent na kumakaway dito pagkatapos ay pinaandar na ni Andrew ang sasakyan. Hindi na siya magtataka kung pati si Vincent ay may gusto na dito. At kahit hindi niya gusto ang ideyang popormahan nito si Althea ay wala naman siyang magagawa at lalong hindi naman siya pwedeng gumawa ng hakbang para mapatigil ito sa binabalak na panliligaw.
Naalala pa niya kanina pagkatapos ng laro ay hindi na siya nito tinigilan.
“Tol, pakilala mo na siya sa’kin! Sige na!” kinulit siya nito ng kinulit kaya kahit ayaw niya ay napilitan siya.
At bago sila maghiwalay na dalawa ay nabanggit ni Vincent sa kanya na seryoso ito at aakyat ito ng ligaw kay Thea pero hindi na lang siya nagsalita at baka makahalata pa ito na ayaw niyang magkalapit ang mga ito.
BINABASA MO ANG
True Love Waits..
RomanceMula pagkabata ay itinangi na ni Althea si Iñigo sa puso niya. Pero isang bagay ang naganap para malayo siya dito. Pagbalik niya ay ibang-iba na ang pagkatao niya pero hindi pa din siya pansin nito. Sino ba kasi ang nagpauso na bawal ang babae ang u...