Lumalalim na ang gabi pero hindi pa din ito pansin ni Iñigo at patuloy lang na umiinom sa tabi ng pool. Gulong-gulo ang isip niya. Parang naririnig pa niya sa mga tenga niya ang mga salitang binitawan ni Althea sa telepono kanina. Hindi daw nito alam ang mga tumatakbo sa isip niya. Hindi pa ba halata sa mga kilos niya ang mga nasa loob niya? At kaya pala hindi nito binibigyang pansin ang mga ginagawa niya ay dahil may hindi pa daw ito naririnig mula sa kanya.
‘Bakit ba dumating ka pa, Althea? Bakit ba bumalik ka pa? nagulo mo na naman ang puso ko. Akala ko pa naman mamamatay na ang nararamdaman ko sa’yo nung umalis ka dito. Hindi pala ganun kadali yun. At ngayon, sigurado akong hindi na mawawala ‘to. Bakit ba ginulo mo na naman ang tahimik kong mundo?!’ tanong niya sa isip niya.
At dahil sa malalim niyang iniisip, hindi na niya namalayan na nakalapit na pala sa kanya ang daddy niya.
“O hijo, bakit mag-isa ka atang umiinom ngayon? Hindi mo man lang ba ako aayain? Di bale, tulog naman na ang mommy mo. Pwede na tayong maglasingan ngayon.” Nakatawang sabi ng daddy niya.
Ngumiti lang siya, kumuha ng isang baso at nilagyan ito ng alak at ice, at saka ibinigay sa daddy niya.
“Ano bang problema?”
“Wala dad. Naisipan ko lang uminom.” Umiling-iling siya.
Tinitigan siya nito. “Ako pa ba ang lolokohin mo? Anak, tatay mo ako, at alam ko kung kelan may problema ka. Si Althea noh?”
Nagulat siya sa narinig. Hindi niya alam na may alam ang daddy niya sa damdamin niya sa dalaga.
“Noon pa. Nahahalata ko na, na may gusto ka sa kanya. At saka hindi ka naman naglalagi dito nung wala pa siya dito. Ngayon ka nga lang napirmi dito sa bahay. Alam ko naman matagal na yang damdamin mo diyan. Nagtaka nga ako sa’yo dati dahil wala ka man lang ginawa nung umalis siya. At ngayong bumalik siya, hahayaan mo bang umalis na naman siya nang hindi mo nasasabi ang laman niyan?” tinuro nito ang dibdib niya.
Tumingin ito ng dretso sa kanya. “..kung gusto mo talaga siya, pagsikapan mo..”
“Pero dad, hindi ko lang siya gusto. Mahal ko siya. Mahal na mahal. Kahit nung bata pa siya. Hindi ko lang pinakita kasi baka kung anong isipin nyo sa’kin pag pinatulan ko siya. Kaya kung sinu-sino na lang ang niligawan ko para lang mawala siya dito sa puso ko pero walang nangyari. Araw-araw sinusubukan ko siyang iwasan pero ako lang din ang nasasaktan.”
“Then nung pumunta sila saAmerica, sabi ko baka kung hindi na kami magkita, mawala na lahat ng nararamdaman ko pero hindi pa din pala. At lalong nagulo ang mundo ko nung bumalik siya dahil hindi na natahimik ang utak at puso ko..”
Tumingin siya sa sa daddy niya.
“Hindi na ako nakakatulog sa gabi sa kakaisip sa kanya, kung paano ako mapapalapit sa kanya gayong puro kapalpakan na ang mga ginagawa ko sa kanya. Hindi na ako makapali pag andyan siya pero parang kulang naman ang araw ko pag hindi ko siya nakikita. Alam mo ba yun, dad?”
Tumango-tango lang ito at saka ito ngumiti sa kanya.
“..tapos kanina lang, narinig ko siya, kausap niya si Denise sa telepono. Narinig ko sinabi niya na kaya pala wala siyang tiwala sa akin at kaya hindi niya pinapansin ang mga ginagawa ko, kasi hindi pa din daw niya naririnig yung mga salita na gusto niyang marinig sa’kin.”
“Anak, ang mga babae, may pagka madrama ang mga yan. Ganyan talaga sila, pag may gusto sila, yun talaga ang hihintayin nila mula sa mga lalaki. Ganyan din ang mommy mo noon.”
“Hindi naman kasi ako sanay ng ganito dad eh. Hindi ako marunong manligaw. Isa pa natatakot ako ma-basted. Turuan mo ‘ko dad, nate-tense ako eh..”
Napangiti ito sa kanya. “Anak, tandaan mo, walang hindi nakukuha pag ginusto mo talaga at kung pagtya-tyagaan mo lang. Bakit di mo kasi sabihin yung talagang nararamdaman mo sa kanya?”
“Yes dad, gagawin ko. Alam ng Diyos kung ga’no ko pinangarap na makuha siya dahil noon pa, siya na talaga ang gusto ko. Mahal na mahal ko siya, dad. Hindi ko na alam ang gagawin ko.Parana akong mababaliw sa kakaisip kung ano pa bang dapat kong gawin para makuha ko ang pansin niya. Ang saya-saya ko pag nakikita ko siya, tapos magkausap lang kami, kahit na sandali lang, buo na agad ang araw ko..”
“..pero dad, alam ko namang meron din siyang nararamdaman sa’kin kasi nakikita ko siyang nasasaktan tuwing magkasama kami ni Steph. Remember dad? Yung fling kong sunod ng sunod sa’kin? Nung nakita niya kami, tumalikod siya pero hindi niya naitago sa’kin yung sakit sa mga mata niya. Nakita ko nasaktan siya kaya alam kong mahal din niya ako. Mahal na mahal ko siya dad. Dahil sa kanya, nagpakababa pa ako kay Vincent para lang layuan siya. Kasi nasasaktan ako pag nakikita ko syang excited na excited pag dinadalaw siya dito. Naiisip ko, ‘Patay! Huli na ata ako. Naunahan na ko ng bestfriend ko!’ Kaya kahit nakakababa ng ego, pinuntahan ko pa si Vincent para lang sabihing ipaubaya niya na lang niya si Althea sa’kin pero parang ang ilap pa din niya sa’kin eh..”
Hinayaan siya ng daddy niya na ilabas lahat ng nasa loob niya.
“Dad, help me.. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito sa tanang buhay ko..”
“Well anak, ano pa nga bang masasabi ko? Salamat sa Diyos! Ang akala ko dati, mawawala na kami ng mommy mo nang hindi makakakita ng apo sa’yo. Akala ko wala sa bokabularyo mo ang mag-asawa. Paano naman, iba ibang babae ang ipinapakilala mo sa’min. biruin mo, naunahan ka pa ng kapatid mo.”
Ngumiti siya dito.
“Dad iba na ngayon. Promise, hindi ko sasaktan si Thea. Iba na talaga ‘to dad, hinding-hindi na ako titingin sa iba..”
At hindi na niya namalayang umiiyak na pala siya at pinupunasan na ng Daddy niya ang mga luha niya.
“Haay anak, parang kung kelan ka pa tumanda, saka ka pa naging iyakin.” Biro ng daddy niya sa kanya.
Nagtawanan silang dalawa at niyakap siya ng daddy niya kaya hindi nila namalayang nakalapit na pala ang mommy niya sa kanila.
“Kaya pala ang tagal ko kayong hinanap.. Nandito lang pala kayo.. At nag-iinuman pa.” sabi nitong nakatawa sabay tingin sa mga boteng nakakalat sa sahig.
Nagkatinginan sila ng daddy niya at ngumiti ito sa kanya. Pagkatapos nun ay sabay sabay silang tumayo at pumasok sa loob ng bahay.
“Sige na Iñigo, magpahinga ka na, at nakainom kapa.” sabi ng mommy niya pagkapasok nila.
At habang nakahiga siya sakamaniya nang gabing iyon ay nakapag isip isip na din siya. Nagpasya na siya, sisimulan na niya bukas. Sabi nga ng daddy niya, walang hindi nakukuha sa tiyaga. Ang balita pa naman niya ay aalis na ito sa susunod na buwan, at hindi siya papayag na aalis ito nang hindi siya kasama.
BINABASA MO ANG
True Love Waits..
RomanceMula pagkabata ay itinangi na ni Althea si Iñigo sa puso niya. Pero isang bagay ang naganap para malayo siya dito. Pagbalik niya ay ibang-iba na ang pagkatao niya pero hindi pa din siya pansin nito. Sino ba kasi ang nagpauso na bawal ang babae ang u...