Tatlo lang sila nag-almusal nang umagang yun dahil umalis ang mga magulang nila Iñigo para umattend sa isang kasal. Nagpahanda sila ng breakfast sa garden para sariwa ang hangin. Hindi man sila umiimik ay nahahalata nilang sadyang hindi nakikisali sa usapan nila si Althea. Nag-uusap silang dalawa ng kapatid niya pero ang dalaga ay nananatili lang tahimik at pagkatapos kumain ay nagpaalam ito sa kapatid niya pero hindi man lang ito tumingin sa kanya na parang hindi siya nakita.
“O kuya, anong nangyari dun? Teka, kahapon lang okay naman kayo. Pero ngayon bakit parang hindi na kayo magkakilala?” tanong nito nang makaalis si Althea.
“Aba’t dalawang araw lang ako nawala parang andami ko ng hindi alam?”
“Eh kasi diba nung isang araw hinatid ko siya sa party na guest siya, tapos nag-promise ako na susunduin ko siya kaso si Steph eh..”
Hindi pa siya natatapos magsalita ay bigla itong napatayo. “Steph na naman?! Kala ko ba break na kayo?”
“Eh kasi naman, bigla siyang yumakap sa’kin, eh hindi ko na siya napigilan. Tapos nakita ko na nga lang na tumatawag na siya ng taxi. Hinabol ko nga siya, pero hindi naman niya ako pinansin.”
Pagkatapos niyang ikwento dito ang lahat ng nangyari ay nagpaalam na ito sa kanya at sinabing magbibihis na dahil may kailangan pang puntahan. Nagkibit-balikat na lang siya dahil halata namang hindi siya nito pinaniniwalaan.
Nag-aayos si Althea ng mga gamit niya nang makarinig siya ng mga katok.
“Bhez, busy ka ba?” nakadungaw ito sa pintuan niya. “Pwede pumasok?” pero nakapasok na ito bago pa siya makatayo mula sa ginagawa niya kaya huling-huli siya nito na nagpunas ng luha.
“Ahm, naikwento na ni kuya yung nangyari nung isang araw, kung bakit ganun na lang ang pakitunguhan nyo samantalang okay naman kayo nung umalis ako. Pero parang hindi buo yung pagkakakuwento niya kaya pinuntahan kita. Meron ba akong dapat malaman?”
Wala na siyang inilihim dito. Lahat ng nasa loob niya ay sinabi na niya hanggang sa napaiyak na siya.
“Akala ko kasi okay na, akala ko may ibig sabihin na yung mga pinapakita niya sa’kin. Ewan ko ba pero ang sakit-sakit sa’kin nung nakita ko. Hindi nga ko dapat talaga umasa.”
Niyakap siya nito at hinagod ang likod niya. Matagal silang nagyakap at natahimik hanggang sa may narinig silang katok.
“Mam, si sir Vincent po nasa labas.” sabi ng boses ng isang kasambahay mula sa labas ng pinto ng kwarto niya.
“Sige, sabihin mong nagbibihis pa c Thea. Bababa na din kami.” umiiyak pa din siya kaya si Denise na ang sumagot para sa kanya.
“Ninang..” tawag niya sa mommy ni Denise nang makababa siya. Halatang kararating lang nito dahil hawak pa nito ang handbag nito at kinakausap nito si Vincent.
“O, heto na pala si Althea. Thea ikaw na ang bahala sa kanya ha? Papasok na muna ako sa loob para makapagbihis.” paalam ng nianang niya sa kanila.
“Salamat po tita.” Ngumiti si Vincent dito.
Matagal din silang nagkuwentuhan ni Vincent hanggang sa magpaalam ito. Pero bago ito umalis ay tinanong siya kung wala bang magagalit sakaling manligaw ito. Sinabi niyang wala at nakita niya ang saya sa mukha nito hanggang makaalis.
“O bhez, kamusta ang pag-uusap nyo?” salubong ni Denise sa kanya nang makitang paalis ang binata.
“Ayos lang naman.” aaminin niya na nag-enjoy siya sa company ng binata pero hindi niya mapigilang malungkot dahil habang magkausap sila ay hindi niya mapigilang isipin pa din si Iñigo, kung nasaan ito at kung sino ang kasama nito.
BINABASA MO ANG
True Love Waits..
RomanceMula pagkabata ay itinangi na ni Althea si Iñigo sa puso niya. Pero isang bagay ang naganap para malayo siya dito. Pagbalik niya ay ibang-iba na ang pagkatao niya pero hindi pa din siya pansin nito. Sino ba kasi ang nagpauso na bawal ang babae ang u...