Abalang abala si Althea sa pagta-type sa laptop niya at pagde-design para sa ginagawa niyang invitation dahil dalawang buwan na lang ay gaganapin na ang debut nila ni Denise. Napagkasunduan nilang pagsabayin na lang ang celebration ng debut nila dahil isang linggo lang naman ang pagitan ng kaarawan nila.
“Sinabi mo na ba sa mommy’t daddy mo yungplanonating pagsabayin yung party natin?” tanong ni Denise na bigla na lang sumulpot sa kwarto niya at umupo sakamania.
“Oo. Nag-usap na nga ata sila ng mommy at daddy mo kagabi. At eto na nga o, ginagawa ko na ang invitation natin.” Sagot niya na hindi tumitingin dito at ipinagpatuloy niya ang ginagawa niya.
Nang hindi ito tumugon ay nilingon niya ito. Nakahiga ito sakamaniya at nakatingin s akisame na parang may iniisip.
“Eh kung tinutulungan mo kaya ako dito hindi yung nakatunganga ka lang diyan.
“Good!” nagulat siya ng bigla itong napabangon mula sa pagkakahiga. “Feeling ko this is the right time na magawa ang plano natin. Antagal na natin pinag-usapan yun di lang tayo makahanap ng tiyempo.”
Napaharap siya kay Denise ng marinig niya ang sinabi nito. It’s been three years nung napag-usapan nila ang tungkol sa bagay na yun. Hindi niya akalaing nasa isip pa din nito ang bagay na iyon hanggang ngayon. Bigla siyang napangiwi ng bumalik sa isip ang nagging usapan nila noon. Kahit naman gustong-gusto niya si Iñigo ay hindi niya maaatim na gawin ang pinapagawa nito
“Naku, ewan ko talaga.Parakasing di ko talaga kayang gawin. Naiisip ko pa lang parang nanginginig na ako.”
“Hay naku, bahala ka. Sige, ikaw din. Saka planado ko na ‘to. Trust me, akong bahala. After our birthday mapupunta sa’yo si Kuya.” Kinindatan pa siya nito.
Bumuntong-hininga na lang siya saka tumalikod para matapos na ang usapan nila.
Lumipas ang dalawang buwan ng paghahanda nila ay dumating na ang pinakahihintay nilang araw. Sa loob ng dalawang buwan yun ay iniwasan niyang makita si Iñigo dahil ayaw niyang patuloy na lumago ang damdamin niya dito na alam naman niyang walang katugon
Sa maluwag na garahe nila Denise napagkasunduang pagdausan ng debut nila. Sa sobrang dami ng bisita ay hindi na din sila nakapag-usap ng maayos.
Pinapanood niya si Denise habang kasayaw ang escort nito na classmate nila at bestfriend nito, si Andrew. Iniisip pa din niya ang sinabi nito sa kanya bago pa magsimula ang party.
“Planado ko na lahat. Basta magtiwala ka lang sa’kin.
Hindi na siya nakasagot dahil narinig niyang tinawag na sila para lumabas
Pagkalabas nila ay sunod sunod na ang mga bumati sa kanila at pagkatapos kumain ay ginanap na agad ang programa kaya talagang nawalan na sila ng panahon makapag-usap.
Hindi din nagtagal ay natapos na ang party at unti-unti na ding naubos ang mga bisita ng mga alas dos ng madaling araw. Umakyat siya agad sa kwarto na at pinilit makatulog dahil sa sobrang nahilo siya sa ininom niya. Hindi talaga siya umiinom pero dahil sa pangungulit ni Denise at ng mga kaibigan nila, napilitan siya.
Antagal niyang nakapikit pero pakiramdam niya ay hindi naman siya nakatulog dahil sobrang sakit pa din ng ulo at hilonghilopa din siya. Bago umuwi ang mga magulana niya ay nagpaalam sila na dito siya matutulog para makipagkwentuhan pa sa mga kaibigan nila at dahil birthday naman nila ay pinayagan siya ng mga ito.
“Ano na? Gagawin mo ba?” Tanong ni Denise ng makita nitong dumilat siya.
Napabangon siya at napahawak sa ulo niya
“Natatakot ako eh..” sabi niya.
“Ano ka ba! Anong takot-takot pa? Kala ko ba sabi mo kanina sure ka na? Sige, bahala ka. Ikaw rin, kapag hindi mo pa ginawa yan ngayon, hindi mo na siya makukuha kahit kelan.” Pananakot nito sa kanya.
Humiga siya ulit at nag-isip habang nakatingin sa kisame.
“O ano kaya mo?”
“Oo na..” ayon na lang niya.
Nag-shower muna siya, at sinuot niya ang lingerie na pinahiram sa kanya ni Denise. Tiningnan niya muna ang sarili niya sa salamin.
“Yan! Ang ganda-ganda mo bestfriend! Im sure walang lalaking tatanggi sa’yo. Oh, wait!”
Napapikit siya ng basta na lang siya wisikan nito ng pabango na kinuha nito sa closet.
“Ayan na talaga! Ok na. game na!”
Napalingon siya dito at nagdadalawang-isip na nagtanong.
“Sigurado ka bang gising pa yun?”
“Oo naman, sure na sure ako gising pa yun. Hindi naman natutulog yun agad eh. Saka kung hindi mo gagawin yun ngayon, naku wala ng ibang time. Hindi mo na ‘to magagawa kahit kailan.” Pamimilit nito sa kanya.
Pagkatapos ng ilang minuto ng pilitan ay sumama na din siya. Tumapat sila sa pinto ng kwarto ni Iñigo at humarap ito sa kanya.
“Ok bhez, this is it. Gawin mo na lahat ng magagawa mo. This is your chance.. Basta pag may hindi magandang mangyari sa loob, andito lang ako sa tapat ng pinto ni kuya ha?”
“Sige, wish me luck!
“Goodluck!” at nag-apir sila.
Medyo kinakabahan pa siya nung buksan niya ang pintuan. Madilim ang buong kwarto maliban na lang sa nakasinding lampshade sa tabi ngkamanito kaya nakita niyang nagbabasa ito. Matagal din niyang pinagmasdan ito at napansin niyang wala itong suot na damit pantaas. Tiningnan niya muna ang buong sarili bago lakas loob na pumanhik sakamanito.
Halata namang nagulat ito sa galaw niya sakamadahil bigla nitong binitawan ang binabasa nito at napalingon sa kanya.
“Sino ka?” tanong nito na naka-kunot noo at kinikilala siya.
Nagulat siya sa biglang pagsigaw nito kaya napatayo siya sa tapat ngkamanito at tuloy tuloy na siyang naghubad nang hindi ito makapagsalita.
“Thea?!"
Hindi siya sumagot, bigla niyang niyakap ito at hinalikan sa labi. Pero nagulat siya ng sa halip na tumugon ito sa halik niya ay tinulak siya nito, pinulot ang mga damit at pilit ipinasuot sa kanya.
“Magbihis ka nga! Ano bang nangyayari sa’yo? Teka, ano bang pumasok sa utak mo? Bakit mo ginagawa ‘to?” naguguluhan na parang nagagalit na tanong nito.
Hindi niya ‘to pinansin at niyakap uli ito.
“Matagal ko na gustong sabihin sa’yo to. Mahal kita.. Dati pa.. Oo, dati pa.. I want you to make love with me, Iñigo” napapapikit pa siya habang sinasabi yun dahil nahihilo pa siya.
“Wait! Ano ba tong ginagawa mo?!” sabi nito na medyo nakapagpatigil sa kanya dahil napalakas na ang boses nito.
“..bata ka pa at hindi mo pa alam ang ginagawa mo!” Napatitig siya dito at kitang kita niya sa mukha nito ang galit sa ginawa niya.
“Lahat kayo ganyan ang tingin sa’kin! Hindi na ako bata!” sigaw niya dito. At kahit na parang sasabog na ang ulo niya sa sakit at pagkahilo ay itinulak pa niya ito.
Umiling-iling ito at kinuha nito ang kumot mula sakamanito, lumapit sa kanya at pilit na ibinalot sa kanya.
“Bata ka pa nga…”
“Sabi na ngang hindi na ako bata!” paatuloy pa ring sigaw niya dito.
Marahil ay narinig ng mga magulang nito ang mga sigawan nila kaya napasugod ang mga ito sa kwartong iyon. Kitang kita ang pagkagulat sa mukha ng mga ito ng makapasok doon kaya napaluha siya sa hiya sa ginawa.
Nakita niyang nasa pinakalikod ng mga ito si Denise at nakasimangot.
“Patay!” nabasa pa niyang buka ng bibig nito bago siya mawalan ng ulirat.
BINABASA MO ANG
True Love Waits..
RomanceMula pagkabata ay itinangi na ni Althea si Iñigo sa puso niya. Pero isang bagay ang naganap para malayo siya dito. Pagbalik niya ay ibang-iba na ang pagkatao niya pero hindi pa din siya pansin nito. Sino ba kasi ang nagpauso na bawal ang babae ang u...