A month after niyang sagutin si Iñigo ay idinaos ang engagement party nila sa mansion ng mga ito. Maraming dumating na bisita ngunit hindi nakauwi ang mga magulang niya dahil hindi basta basta makakabiyahe ang mga ito.
Masayang natapos ang party at karamihan sa mga lalaking bisita ay nalasing kasama na si Iñigo, ang daddy nito at si Andrew.
“Naku bhez, mauna na kami, at alam mo naman itong dinadala ko. Eto si Andrew nagpakalasing pa. Sige na, mauna na kami.” Humalik na ito sa kanya at umalis na ang mag-asawa.
Hindi na din sila masyadong nakapagkwentuhan at kailangan na nitong magpahinga dahil maselan ang ipinagbubuntis nito. Pag-uwi ng mga ito noon ay ibinalita ng mga ito na buntis ang kaibigan niya at dalawang buwan na. Ngayon ay mag-a-anim na buwan na ang tiyan nito kaya hindi na ito maaaring magpagod at magpuyat.
Nang medyo maubos ang mga bisita ay nagpasya siyang umakyat na.
“Hon, papasok na ako ah. Masakit na ang ulo ko.” Paalam niya kay Iñigo na kausap pa ang mga kaibigan at humalik na dito.
Pag-akyat niya ay nag-shower lang siya sandali at nahiga na sakamaniya. Iniisip pa niya ang nobyo kung makakapagmaneho ng maayos dahil nga lasing ito.Doonito uuwi sa condo nito dahil ayaw ng daddy nito na sa bahay ito matutulog dahil hindi daw maganda tingnan kung nasa parehong bahay sila tumutuloy.
Habang nakahiga siya sa kama niya ay naalala pa niya ang mga nangyari one week bago idaos ang engagement party nila.
Kagigising lang niya nang tawagan siya ni Iñigo, kailangan daw nilang magkita. Pinapunta siya nito sa restaurant kung saan niya ito sinagot. Nagtaka siya dahil parang may iba sa boses nito at dahil hindi siya sanay na hindi nito sinusundo. Nag-ayos at nagbihis naman siya agad para makapunta doon. Pagdating niya sa restaurant ay naroon na ang nobyo.
“Am I late?” tanong niya.
“No, five minutes pa lang ako dito.” Nakangiting sagot nito sa kanya.
Tinawag nito ang waiter at habang hinihintay ang kanilang pagkain ay nag-usap sila tungkol sa kung anu-anong bagay pero nahahalata na niyang may gusto itong sabihin sa kanya na hindi lang nito masabi kaya pinilit niya ito.
“C’mon, ano ba yun Iñigo? Nawi-wierduhan na ako sa’yo ah. Bakit mo ako pinapunta ngayon dito? May problema ka ba?”
“Wala, may ibibigay lang kasi sana ako sa’yo.”
Napakunot-noo siya at parang nagtatanong ang mga matang tumingin siya dito.
Ngumiti naman ito sa kanya at pagkatapos ay inilabas nito ang isang kahita at binuksan. Nakita niyang may laman itong singsing na may diamond sa taas. Kinuha nito ang kamay niya at isinuot sa kanya.
“Engagement ring natin..”
“Iñigo, ang ganda naman nito. Thank you.” Napaluha siya.
“No. Thank you for making me happy. Now, Ms. Maria Althea Sophia Benitez, will you marry me?”
Ngumiti siya at sinabi niya, “Pag-iisipan ko muna..”
At pagkalipas ng ilang minuto, “Okay.” Nakangiting sabi niya dito.
“Anong okay?!”
“Okay. As in oo, magpapakasal ako sa’yo.”
“Talaga? Wala ng bawian yan ah!”
“Sino ba nagsabi sa’yong babawiin ko? ”
Napangiti ito at niyakap siya. “Hindi ka magsisisi. Ngayon alam kong magiging masaya na ako for the rest of my life.”
BINABASA MO ANG
True Love Waits..
RomanceMula pagkabata ay itinangi na ni Althea si Iñigo sa puso niya. Pero isang bagay ang naganap para malayo siya dito. Pagbalik niya ay ibang-iba na ang pagkatao niya pero hindi pa din siya pansin nito. Sino ba kasi ang nagpauso na bawal ang babae ang u...