- CHAPTER SIX -

12 3 2
                                    

©                         Mie

Nagulat ako ng biglang nagmulat ng mata ang katabi ko.

Mabilis akong tumingin sa bintana kahit wala namang maganda.

Nakakahiya!

Napansin niya kayang nakatingin ako sa kanya?

Ang amo ng mukha niya kapag tulog.

"Anong oras na?"

Napatingin ako sa orasan sa bus at sumagot na lang.

"XX:XX PM. Sarap ng tulog mo ah"

Tumawa siya ng mahina at tumango na lang.

I sighed.

Magagawa ko ba talaga to?

Pero alam ko sa sarili ko na I need to do this and I want to do this.

Humarap ako sakanya at tinanong ang kanina pa gumugulo sa akin.

"Ahm, ano kasi... Ganto kasi yun, ahhh... May ano kasi.... May ano.."

Wala na naduwag na ako. Jusko!

Tumaas ang kilay niya.

"Ano ba yun? Chill ka lang, beybilabs. Di naman ako nangangagat. Unless, kung gusto mo" sabi niya sabay kindat.

Naasar na naman ako.

Pero I must admit, na miss ko yung beybabs na yun ah.

"Payag ka bang.. Ano.. Sumama.. Sakin sa Vigan?" sabi ko sabay pikit, hoping na pumayag siya.

Nagmulat ako ng mata, to find hin looking at me, amused by what I said.

Nagulat ako ng tumango-tango siya at pumalakpak pa.

"Oo, sige. Game ako diyan, beybilabs. #CoupleGoals. Tayo. #LoveIzReal".

Baliw talaga.

"Ang baliw mo, jusko"

"Corny ba kapag sinabi kong baliw ako sayo?"

Tumibok ng mabilis ang puso ko sa sinabi niyang iyon.

Tama na, please. Wag mo kong paasahin.

Umiling na lang ako at tumayo na para pumila palabas ng bus.

Tinanguan naming dalawa ang driver na witness sa kabaliwan ng lalaking nasa likod ko.

Nag-salute position siya at pinalabas naman kami.

Lumabas kami ng bus at sumalubong samin ang maingay na lungsod ng Vigan.

Kuminang ang mga mata ko ng makitang may kalesa sa malapit na may puting kabayo.

Mabilis akong lumapit at hinawakan ang buhok nito. Tiningnan ko ang mga mata at nakita kong may takip ito.

Kumunot ang noo ko.

Bakit may takip?

"Tinatakpan talaga, para straight yung madaanan. Yung mga kabayo kasi, mabilis madistract sa mga bagay-bagay at lumilihis sila sa daan".

Nagulat ako ng nasa tabi ko na pala siya.

Seryoso ba yun?

Naiiyak ako habang nakatingin sa nararanasan ng magandang kabayo na hinahawakan ko.

"Oh?! Huy, bat ka naluluha?!"

Mabilis niyang kinuha ang panyo niya sa bag at nagpunas.

"Akala ko ba, astigin si beybilabs ko?" asar niya.

Tse! Ewan ko sayo.

Tiningnan ko siya at nakitang nakalahad ang kamay niya habang nakasakay sa upuan sa mya kalesa.

Tumaas ang kilay ko.

"Para san yan?"

"Sakay ka, may pupuntahan tayo".

Mabilis akong umiling tapos yumuko.

"Maglalakad na lang ako"

"Bakit ayaw mo sumakay? Gusto mo ba tricycle na lang?"

"Ah.. Ano kasi.. Nagtitipid ako" sabi ko.

He just smiled at tinulak ako paakyat sa kalesa.

"Libre ko, beybilabs. Lahat ng #CoupleGoals natin sagot ko".

Inirapan ko siya at sumakay.

~~~~~~~

Nakarating kami agad sa pupuntahan at nagbayad na sa nag-maniobra ng kalesa.

Hinwakan ko sa huling beses ang kabayo at naglakad na.

Huminto kami sa may signage na
"WELCOME TO VIGAN CATHEDRAL"

Nag-alinlangan pa ako sa pagpasok kasi hindi naman ako madasalin pero ng hinawakan niya ang kamay ko, hindi na ako nagsalita pa.

Lumuhod na kami sa kneeler at nagsimulang magdasal.

"Lord, salamat po at hinayaan niyo akong maging masaya kahit sandali. Pero Lord, pwede po bang makahingi ako ng extension? Di ko pa po siya kayang mawala Lord. Not now. Siya lang ang tanging tao na nagpaiba sa nararamdaman ko Lord. Gabayan niyo po sana kami sa mga gagawin namin."

Pumikit ako ng sobra habang nagdadasal ng nakaluhod.

Sana nga hindi na ito matapos.

©

\\  Follow. Vote. Comment.  //            Kung ayaw niyo, okay lang din
   ¯\_(ツ)_/¯

The Story of Yhu and Mie #WPAwards  #UAwardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon