- CHAPTER EIGHT -

9 2 1
                                    

 ©                         Mie

Wala na.

Lahat ng saya ko nawala ng isang bigla.

Sana pala hindi ko na lang naramdaman yung saya na yon kung grabeng sakit naman ang mararamdaman ko sa huli.
                       
                         ***
Nakaupo kami sa bench, sobrang saya kasi ang ganda ng sunset ng biglang may tumunog na phone.

Imposible namang akin kasi nasa bag at naka-off.

Nagulat ako ng mabilis na tumayo ang katabi ko habang may kausap.

Sinubukan kong hindi makinig pero hindi ko mapigilan sa lapit niya.

"La, ano pong nangyari? H-ho? Ano?! Opo, opo".

Tapos tumakbo siya ng hindi man ako nilingon.

I was shocked.

Sa sobrang gulat ko, hindi ko namalayan, umiiyak na pala ako.

Bakit.... Bakit laging ako yung nasasaktan?
                 
                        ***

Nawala siyang parang bula pagkatapos nung tawag.

Hindi ko na alam kung anong nangyari sa kanya.

Ang sakit.

Hindi ko man lang nasabing mahal ko siya. Hindi ko man lang nasabing sobrang saya ko kapag kasama ko siya.

Mas masakit.

Kasi minahal ko siya ng hindi ko man lang nalaman ang pangalan niya.

Pero kahit ganun, minahal ko pa rin siya.

Sa sandaling oras na nagkasama kami, dun ko naranasan na maging masaya hindi para sa iba ngunit ng kasama ko siya.

Sana.

Sana talaga makita ko pa ulit siya.

©

\\  Follow. Vote. Comment.  //            Kung ayaw niyo, okay lang din
   ¯\_(ツ)_/¯

The Story of Yhu and Mie #WPAwards  #UAwardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon