- CHAPTER TWO -

10 2 0
                                    

©                          Mie

"Okay, Miss Miera. You can go inside now."

Nagpasalamat ako sa secretary ng parents ko at pumasok sa office ng parents ko.

"Upo ka" sabi ng mommy ko ng hindi man lang tumingin mula sa laptop niya.

Tinignan ko ang daddy ko na may kausap naman sa phone at galit na nagsasalita.

Huminga ako ng malalim at sinabi ang sinadya ko dito.

"Mom, Dad, gusto ko po magbakasyon. Since tapos na po ang graduation baka po pwedeng mag-" hindi ko na natuloy ang pagsasalita ng magsalita si Mommy.

"Ano bang kahibangan yan, Miera? No! Hindi pwede. You need to find a job first! Ano na lang ang sasabihin ng iba kapag nagbulakbol ka lang? Are you even thinking?!" galit niyang sabi.

Bumalik siya sa ginagawa niya habang si Dad naman ay nakatalikod pa rin sa akin at mukhang hindi narinig ang sinabi ko.

Ganun na lang yun?

Tumayo ako at tinungo ang pinto.

Sorry, Mommy at Daddy. Nahihirapan na ako sa pamilyang ito. Hindi ko na kayang masaktan pa ninyo ako.

Desidido na ako sa desisyon ko.

~~~~~

Umuwi ako ng bahay namin at nagsimulang mag-impake.

Wala akong pakialam kung magalit ang mga magulang ko.

I think it's time para ako naman yung maging masaya at hindi lang sila.

Because let's face it.

Minsan, nakukuntento tayo na sila ang palaging masaya. Pero minsan, sobrang masakit na talaga.

Napatingin ako sa mga naimpake kong gamit. Nanlaki ang mata ko ng di ko makita ang isang napakaimportanteng gamit.

Kinuha ko ito mula sa drawer at nilagay sa bagahe ko.

There. Satisfied akong nakatingin sa 3 pack ng Potchi sa loob ng malaking bag na dala ko.

Tumingin ako sa left wrist ko at nanlaki ang mata ng makitang 10 minutes na lang at magsasara na ang bus station sa kabang kanto.

Dali-dali kong sinukbit ang bag ko at lumabas ng kwarto ko at pumunta sa gate.

I looked at our house gate for the last time.

Hindi ako magsisising umalis ako sa bahay na ito kasi wala naman akong good memories kasama ang mga magulang ko dito.

Nagdesisyon akong tama na muna ang drama at tumakbo na kasi baka wala na akong maabutang bus.

~~~~~

Hinihingal pa ako ng makarating sa bus station.

Nagulat ako ng makitang dadalawa na lang ang bus doon.

Lumapit pa ako at nakitang inaayos pa yung isang bus kasi may sira sa makina.

Tumingin ako sa isa pang bus at napangiti.

Hallelujah!

Mabilis kong kinuha ang phone ko at tinapon ang sim card para di ako makontak ng kung sino man.

In-off ko na rin para sure.

Pumunta muna ako sa public cr para mag-peptalk sa sarili ko kasi sa totoo lang, kinakabahan ako.

Tumingin ako sa salamin ng cr at humingang malalim.

Kaya mo to. Ikaw pa! Kaya mo nga kumain ng isang libong potchi sa isang araw eh. Eh ito, sasakay ka lang ng bus.

Ugh. Yun na nga eh. Sagot ko sa isip ko.

Dun ako natatakot.

First time ko sumakay ng bus...

Saktong paglabas ko ay balita ang nasa TV.

At ang report ay bus na nahulog sa bangin matapos madulas sa daan dahil sa ulan.

Umiling-iling ako at nag-isip ng positive thoughts.

Pumwesto nako sa tabi ng bus at pumila para makapasok.

Oras na. Oras na para maging masaya.

Teka nga, anong oras na ba?

Kumamot ako sa ulo ko at tinapik ang lalaking nakapila sa harap ko.

At dahil medyo independent na ako, nasigawan ko siya halos habang nagtatanong.

"Hoy, Kuya anong oras na?"

©

\\  Follow. Vote. Comment.  //            Kung ayaw niyo, okay lang din
   ¯\_(ツ)_/¯

The Story of Yhu and Mie #WPAwards  #UAwardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon