- END OF STORY -

13 4 5
                                    

©                      Mie

Busy ang lahat ngayong araw.

May nag-aayos ng bulaklak, may nag-fafinalize ng gowns, may mga tumatakbong tao kabilang na ang mga organizers.

Lahat sila busy para sa kasal.

Kasal naming dalawa ni Yhu.

Sobrang kinikilig pa ako habang inaalala ang wedding proposal niya sa akin nung birthday ko last year.

                            ***
"Happy Birthday, beybilabs!" ani Yhu ng nakangiti.

Tinanggap ko ang regalo niya at nagpasalamat.

Inakbayan niya naman ako at naglakad kami palabas sa maingay na paligid.

Nagulat ako ng takpan niya ang mata ko habang naglalakad.

"Hoy, ano ba! Baka di ko makita dinadaanan ko at mahulog tong regalo mo!"

Naramdaman ko siyang nagkibit balikat na lang at pinagpatuloy ang paglalakad.

Nakarating kami sa isang lugar at medyo naaaninag ko yung mga ilaw at naamoy ang mabangong aroma ng mga bulaklak.

Tinanggal na niya ang nakatakip niyang kamay sa mata ko at nakita ko ang ganda ng buong hardin.

Binaling ko ang tingin ko sa kanya at nakita ko siyang mahiyang nakangiti at kinakamot ang batok niya.

"Ano..., okay lang ba? Nasabi mo kasi na mahilig ka sa mga bulaklak especially sa Santan kaya dinala kita sa events place na ito. Luckily, may santan garden sila, So......"

Hindi na lang ako nagsalita at niyakap siya ng mahigpit.

Humiwalay siya matapos ang ilang segundo at iniabot sakin yung regalo niya kanina.

"Hmm? Gusto mo buksan ko na ngayon?"

Tumango siya at mas nilapit pa ito.

Binuksan ko yung color red na mettalic wrapper at nakita ang isang improvised ring box na gawa sa cardboard at naka-spray paint na gold.

Natigilan ako at napatingin sa kanya.

Naluluha na ako habang unti-unting binubuksan na ang box.

At naiyak na ako ng tuluyan ng makita ang isang wooden ring na naka-shape na circle habang may santan carvings na nakapalibot dito.

Kinuha niya ito mula sa kamay ko at tiningan ng matagal.

"I know it's not much. Sorry ah? Wala pang budget ang boyfriend mo na soon-to-be fiance mo na. Papalitan ko ito ng totoong singsing kapag nakaipon"

Sinuot niya na ito agad sakin.

"Wow, wala man lang luhod tas mga sweet words? Dapat may kandila sa paligid tas nakatingin silang lahat sa atin"

Nataranta siya sa sinabi ko at mabilis na luminga-linga.

"Uh... Gusto mo ba ng ganoon? Sorry... Ahm... Tatawagin ko na lang sila, ugh sana nagpabili pala ako ng kandila.... Tapos dapat-"

Naputol ang sinasabi niya ng hinawakan ko ang dalawa niyang pisngi at pinatingin siya sakin.

"Okay lang, ano ka ba. Yung sweet words na lang para mas masaya"

Tumango siya at ngumiti ng matamis sakin.

"Hey Mie, beybilabs of my life, my one true and only love, the meaning of forever for me, will you spend your life with me and grow old together?"

Tumango ako habang naluluha.

"Y-yes. I will always say yes to you"

Niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan ang noo ko.

This will be one of my favorite moments together.

                           ***

Napabalik akp sa huwisyo ng tawagin na ng pari ang pangalan ko.

I smiled and turned to Yhu with my eyes watering with love and happiness.

"Yhu, ikaw ang.. Ikaw ang lalaking nagpasaya sakin sa gitna ng matinding kalungkutan. Ikaw ang lalaking sinakyan lahat ng kabaliwan ko. Ikaw ang... Lalaking sinaktan ako ng lubusan pero ikaw ang lalaking mamahalin ko hanggang walang hanggan. I promise to cherish all our moments and always try to keep our love together. I love you so much and this is my vow for you"

Umiiyak na talaga si Yhu ngayon.

Pinunasan niya ang luha niya at kinuha ang microphone mula sa akin.

"Mie, you are the most wonderful woman I ever met. Words will not even explain what my heart feels for you. Ikaw lang ang babaeng mahilig lumaklak ng Potchi kasi gusto mo. Pero M-mie, handa akong ibigay lahat ng Potchi sa mundo mapasaya ka lang. Handa akong isuko lahat ng natitirang meron sa akin para sayo. Handa ako sa lahat ng mga bagay na ito. Kaya mas lalo akong handa sa pagpapakasal sa iyo. Handa akong ipakita sa buong mundo ang pagmamahal ko sayo. Mie, mahal na mahal kita at ito ang pangako ko" sabi niya at binalik ang mic sa pari.

Ngumiti kaming dalawa at sabay na humarap ulit sa altar.

~~~~~~~

"This is the Story of Yhu and Mie"
Napangiti ako ng pumalakpak lahat ng tao at kabilang dun ang pinakamamahal kong asawa.

I decided to share our love story to the world so our love can be known by others.

Lately ko lang na-realize ang hilig ko sa pagsusulat pero desidido na ako na ito ang gagawin ko habang buhay kaya nagsulat ako ng libro at napansin naman ito ng isang publishing company.

Naging successful ang book launch at masaya ko itong kinukwento sa anak ko na nasa tiyan ko pa lang.

Natigilan ako ng may isa pang kamay ang sumali sa paghagod ko sa aking tiyan.

"Dinadaldal mo na naman si baby eh. Baka naiingayan na yan sayo. Sige ka, nag-text yan sakin, tatagalan niya daw ang paglabas kapag kinausap mo siya ng kinausap"

Inirapan ko na lang siya at tumawa.

Hindi man halata, pero sobrang excited na kami ni Yhu sa paglabas ng aming munting anghel.

Just thinking of us having a child to care and love, makes me really happy.

"I love you" sabi ko, out of the blue.

Hindi siya sumagot at hinalikan ng mahina ang noo ko.

"I love you too"

Natawa ako sa sunod niyang sinabi.

"Mahal kita, pero sana, huwag mo namang ubusin lahat ng Potchi sa bahay, baka maoverdose si baby"

Nginitian ko na lang siya.

We are finally about to start the next chapter of our lives.

This is The Story of Yhu and Mie and I am very proud to say that I didn't regret feeling all those hurt and pain because in return, I have a man who is willing to love me till the end.

©

     \\  Follow. Vote. Comment.  //            Kung ayaw niyo, okay lang din
   ¯\_(ツ)_/¯

     

The Story of Yhu and Mie #WPAwards  #UAwardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon