© Yhu
"I think, ikaw na ang pinakamagandang nilalang na nakita ko sa buhay ko. You're really pretty, Mie. Tapos astig pa. Ganda mo talaga".
Inalis ko kaagad ang mga kamay ko sa pisngi niya.
Hala! Sinabi ko ba talaga yun?
Nakakahiya!!
Pero totoo naman talaga ah.
Maganda naman talaga siya sa paningin ko.
Ngumiti na lang ako at nakinig sa music. Siguro naman mapapakalma nito ang puso kong tumitibok ng sobrang bilis.
Para kay Mie?
Hindi pa ata.
Baka pwedeng dahil sa bus driver na akala ata ay nasa racing track kung maka-pag drive ng sobrang bilis.
Teka, di ba takot si Mie sa mga ganto?
I worriedly turned to my side pero bago pa ako makalingon sa kanya ay may humablot ng isang earphone at nilagay sa tenga niya.
Napangiti ako ng makitang si Mie iyon.
"Peram ako. Kainis kasi si Manong Driver, kinakabahan na nga ako mas binilisan pa niya".
God, sobrang cute niya.
Naka-pout siya habang naka-cross arms. Mukha siyang baby na hindi nabigyan ng gatas.
Pasimple kong hinawakan ang kamay niya para maibsan ang takot niya.
Hindi niya na lang ito pinansin at hinayaan ako.
Pinikit ko ang mata ko at nagkunwaring tulog.
Kumunot ang noo ko ng may marinig na nagsasalita ng mahina sa gilid.
Minulat ko ang isa kong mata at nakitang si Mie iyon na kinakausap ang sarili niya.
Anong sinasabi niya?
Tinanggal ko ang isa kong earphone para hindi makasagabal ang music para marinig ko siya.
Natawa na lang ako sa isip ng marinig siya.
"Tanungin mo na kasi siya, Mie!"
"Pero hindi eh, ang sarap ng tulog niya, nakakahiya"
"Kakalabitin mo lang naman"
" Wag na pala, Baka murderin niya ako or ihulog sa bangin kapag ginawa ko yun""Ano bang itatanong mo?"
Napatalon siya ng kaunti sa upuan niya.
"Ha? Ahm, ano kasi.... Uh, narinig mo ba ako? Gosh, nakakahiya"
Tumawa ako ng mahina at nagkibit-balikat na lang.
"Ah, uhm ano yung title ng kanta? Ang ganda pakinggan eh".
"It's Taguan by:Jroa".
Napatawa ako ng malakas sa sinabi niya.
"Jroa? ExB ka? Yaaaa, yayayaya. Tzuhahahahahah"
Hindi lang malakas kundi sobrang lakas
As in.
Tumawa ako ng sobrang lakas na tumigil ang driver sa pagmaneho ng bus at pinagtinginan ako ng mga tao.
Jusko, grabe epekto ng sinabi niya sakin.
"Pasensya na po kung nakaabala ako" sabi ko sa mga tao sa bus.
Pero hindi pa yata yun sapat dun sa tsuper ng bus at piningot pa ako sa tenga habang pinagsasabihan.
"Sa susunod, kapag magpapakabaliw ka, sarilihin mo naman, Boi! Ha?? Pwede?"
Tumawa ako ng sobrang lakas pero sa isip ko lang.
Bumalik ako sa upuan ko sa tabi ni Mie at ni-restart yung music.
"Sorry ah? Hehe. Relate kasi talaga ako".
Umiling-iling na lang siya at nakinig.
🎧🎧🎧🎧
Nagsimula sa asaran
Hanggang nauwi sa seryosohan
Ang pinag-uusapan
At di na namalayan
Na dahan dahan ng binubuksan ang pintuan
Ng ating mga damdamin
Na tila may kakaibang nangyayari
Di maipahiwatig
Ang ibig na sabihin
May gusto ka bang aminin
Pero hindi mo na kailangan paKasi alam mo ba,
Na alam ko ng
May tinatago ka pero natatakot kaKasi alam mo ba
Siguro alam mo na
Parehas lang naman tayong dalawa ..........Na, nag-ta-ta-gu-taguan...
🎧🎧🎧🎧Tama ako diba, nakaka-relate.
Tagos na tagos eh.
Pumikit na lang ako at hinayaang matulog ang sarili ko bago ako nagising sa malakas na sigaw ng tsuper.
"Vigan, Ilocos Sur! Malapit na! Sa mga bababa, sa may kanto na lang! Pakibilisan po!"
©
\\ Follow. Vote. Comment. // Kung ayaw niyo, okay lang din
¯\_(ツ)_/¯
BINABASA MO ANG
The Story of Yhu and Mie #WPAwards #UAwards
Cerita Pendek:: Completed :: "Hoy, Kuya anong oras na?" Napalingon ako sa babaeng tumapik ng malakas sa likod ko. Maroon shirt. Grey hoodie. Cap and Vans. And a very big bag on her shoulders. "Bat mo natanong?" sagot ko. "Basta sagutin mo na lang!" asik nya. Ngu...