© Yhu
Nakalabas na kami ng Vigan Cathedral at naglalakad na papunta sa Calle Crisologo.
Tumigil ako sa paglalakad ng may humila sa T-shirt ko.
Napangiti ako ng makitang naka-pout siya habang may tinuturo.
Tumingin ako sa tinuturo niya at natawa ng mahina ng makitang ice cream cart iyon.
"Gusto ko ng ice cream pero nagtitipid ako. Sabi mo sagot mo, diba? Bilhan mo ko."
Kaya pumunta kami sa ice cream cart at agad naman niyang kinausap ang nagtitinda ng ice cream.
Bumili ako ng dalawang chocolate ice cream dahil iyon na lang ang available.
Di ko na kinuha yung sukli at nginitian na lang si kuya.
Naglakad kami sa napakahabang street ng Calle Crisologo habang kumakain ng ice cream.
"Sayang gusto ko sana strawberry flavor"
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Nagbibiro ka ba? Chocolate for the win"
"Eh basta"
Nagulat ako ng tumakbo siya papunta sa dulo ng street at umupo sa bakanteng bench.
"Malapit na kasi mag-sunset, panuorin natin. Diba sabi mo #CoupleGoals tayo."
Tumango na lang ako at umupo sa tabi niya.
Nagsisimula na ang sunset at tumingin ako sa kanya.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko pero nakaka-satisfy at feeling contented ako habang nakatingin sa mga mata niyang kumikislap sa saya.
And it makes me happy.
This is it.
This is the feeling I'm looking for.
Real happiness,constant bliss and never-ending joy.
At sobrang saya ko na naramdaman ko yon habang kasama ko si Mie.
Pero hindi ko naman alam na yung happiness na yun ay mabilis na matatapos.
![](https://img.wattpad.com/cover/153433638-288-k230568.jpg)
BINABASA MO ANG
The Story of Yhu and Mie #WPAwards #UAwards
Short Story:: Completed :: "Hoy, Kuya anong oras na?" Napalingon ako sa babaeng tumapik ng malakas sa likod ko. Maroon shirt. Grey hoodie. Cap and Vans. And a very big bag on her shoulders. "Bat mo natanong?" sagot ko. "Basta sagutin mo na lang!" asik nya. Ngu...