Kai POV"Ahh!! Bakit ang tagal nila Suho hyung?!"
Kanina pa ako napapakain pero wala pa rin sila!
"Baka binili na nila ang buong mall" - Kris
"O baka naman dinumog na sila ng mga lalaki" - Tao
"No!!!!" - sabay na sabi nila Sehun at Chanyeol sabay tayo
"Susunduin na namin sila!" - Chanyeol
"Tama! thuthundan na namin thila!" - Sehun
Tinignan ko lang sila ng may pagkabagot at saka humikab
"Mas delikado kung lalabas pa kayo" - Kris
"Wala naman tayong dapat ikabahala. Kasama naman nila si Baekhyun. Mabilis iyon tumakbo at mahusay magtago" - sabi ko
"Si Leif kaya? Hindi pa naman ata siya kumportable sa suot niya kanina" - Xiumin
"Bakit ka naman nag-aalala sakanya?" - tanong ko at saka siya pinag singkitan ng mata
"Ah k-kasi..."
Bigla kaming napalingon kay Kyungsoo na naglalakad papalapit saamin dito sa living room
"Nasaan na ba sila? Di pa ko nakakapagluto. Wala pa ang mga pinabili kong mga sangkap"
Nakatingin lang kami sakanya habang panay siya sa pagsasalita na parang sarili lang naman niya ang kinakausap niya dahil mukhang wala naman ang presensya namin sakanya, siguro nalunod na siya sa kakaisip kung nasaan na ang mga sangkap na pinapabili niya kila Suho hyung. Kung ligtas pa bang makakarating sakanya ang mga pipino at petchay. At kung di pa kalunos lunos ang kalagayan ng mga karne niya
"Yahh!! Atlast!"
Napaalis ako sa pagkakadapa ko sa mahabang sofa ng marinig ko na ang boses ni Baekhyun na dumagundong kaagad sa buong pent house
"Nandito na kami!!"
"Bat ang tagal niyo?" - Kyungsoo
Tumayo naman na ako pati sila Sehun at agad kong kinuha ang dala dala nila Suho hyung at nagsimulang maghalungkat at hanapin ang pinabili ko kanina
"Hinabol kami ng mga fans. Nakilala kami eh" - Luhan
"Di naman thiguro nahulog ang ithtraw nitong bubble tea ko diba?" - Sehun na hawak hawak na ang bubble tea niya
"Hindi. Ako pa mismo bumili niyan pati yang kape mo Umin" - Luhan
"Salamat" - Xiumin at saka naupo sa sofa habang sumisipsip na sa kape niya
"Yahh! New edition of Gucci!!" - Tao na yakap yakap na ang bag niya na may tatak na Gucci
"Hyung! Nasaan na ba ung pagkain ko?" - tanong ko habang halungkat pa rin ako ng halungkat
Puro kasi mga damit nakukuha ko
At
Dahan dahan kong iniangat ang nahawakan ko palabas ng paper bag
"Uh? Ano to?" - tanong ko at saka tuluyang inilabas ang hawak ko
"Y-yahhhh!!"
YOU ARE READING
Operation: Save the Fallen EXO
FanfictionEXO is a a famous and number one KPOP boy group in South Korea. They all love by many fans all around the globe But one day while on their world tour. Their plane crashed causing the sudden death of the EXO Many fans shed their tears for their idols...