Bug Alert!!

50 4 0
                                    


Chen POV

"Ya!!! Kaja!!"

Patalon talon akong lumapit kila Umin hyung

"Ano naman ang gagawin mo caremel dinosaur?"

Napasimangot ako kay Tao

Bakit gising na tong panda na to?

Humikab naman si Luhan na nasa sofa nakahiga bago nagsalita

"Saan ka naman pupunta Jongdae?"

"Sasama kay Xiumin na ihatid si Leif!"

"Hu?" - Xiumin

"Mas ligtas kung dalawa tayo"

"Bahala ka, umalis na kayo. Ikkontak ko na sila Suho" - Kris at saka humikab

Alas singko pa lang ng umaga. At di pa to ang oras na dapat matulog ang mga hari ng kama

Inayos ko ang suot kong jacket ganun din sila Leif itinalukbong namin ang hood ng jacket namin sa ulo

"Shades hyung" - Tao at saka ko kinuha ang iniaabot niyang shades at saka iyon isinuot

"Kaja!"

~~

Halos magkakadikit lang kaming naglalakad tatlo habang pasimpleng patingin tingin sa paligid habang nakayuko

Ang tahimik pa ng lugar

Kitang kita ko pa nga ang usok mula sa bibig ko

Ilang lakad pa namin bago kami nakakita ng cab na aga na pinara ni Umin hyung

"Saan po kayo sir?"

"Sa **** street po manong" - Xiumin

Napatingin si manong sa rear mirror

Nakaupo kami ni Leif sa back seat habang si Xiumin nasa passenger seat

"Giniginaw ka ba Leif?" - mahinang tanong ko kay Leif

"Oo, hindi kasi ako sanay sa ganitong temperatura" - nangangatal niya pang sagot

Mukha ngang nilalamig siya

Inalis ko ang scarf na nasa leeg ko bago ko iyon ipinulupot sa leeg niya

"Uhh pero paan-"

"Ayos lang ako. Atleast ako sanay na" - nakangiting sabi ko

"Andito na po tayo sir"

Magbabayad na sana si Umin ng magsalita si Leif

"Wag na kayong bumaba. Ako na lang"

"Pero" - Xiumin

Isinenyas naman ni Leif ang labas at pagtingin namin sa bintana ay nakita ko di lang kalayuan ang dalawang taong kapwa nakaharap sa may pader habang pasilip silip

Mga mukhang tanga

"Baba na ako, Salamat. Ingat kayo"

"Ikaw din Leif!"





Leif POV

Pagkakita saakin nila Chanyeol ay agad silang lumapit saakin at sinalubong ako

"Leif! Sila Umin hyung?" - Baekhyun

Lumingon ako sa likuran ko ganun din sila at ilang segundo lang ay umandar na paalis ang cab na sinasakyan nila Chen

Operation: Save the Fallen EXOWhere stories live. Discover now