Cooking is the best thing to do ever

50 3 2
                                    

Leif POV


"Yaaa!!! Nasan na naman ang notebook ko!!"

Napatingin sakin si Baekhyun na katabi ko lang sa upuan ng bigla akong tumayo at saka nag umpisang tumingin tingin sa sala. Sa mga ilalim ng throw pillow. Sa ilalim ng mesa. Sa ilalim ng sofa... At!!

"Chen! Nahanap ko na" - masayang sabi ko na inikatingin niya saakin at nakangiti siyang lumapit sakin

"Waa salamat Leif"

Napalingon naman ako kay Chanyeol na hawak hawak ang vacuum. Agad akong tumakbo palapit sakanya

"Ahh tulungan na kita. Ako ng bahala dito"

"Hu? Talaga?" - sabi niya

"Oo!" - sabi ko at saka niya ibinigay ang vacuum sakin

"Okay. Sakto may tatapusin pa ko"

Nginitian ko lang naman siya bago siya umakyat sa hagdan

"Jongin! Iabot mo nga sakin ung nahulog kong unan" - dinig ko kay Sehun na nakahiga sa mahabang sofa

Dala dala ko ang vacuum na tumakbo palapit sakanya at mabilis na pinulot ang throw pillow bago pa man makuha un ni Kai

Napatingin naman silang dalawa saakin

"Guys.. Ang dami na namang tambak na labahan" - saad ni Suho na bagong dating lang sa sala habang may hawak hawak na shorts

Nagsitinginan naman silang lahat sakin ng bigla akong nagtaas ng kamay

"Ako ng maglalaba" - nakangiting sabi ko

"Ayos ka lang ba Leif?"

Nilingon ko si Baekhyun habang nakataas pa rin ang kamay ko habang hawak naman ng kabila kong kamay ang hawakan ng vacuum cleaner

"Hmm? oo!"

"Pansin ko kasing kanina ka pa gawa ng gawa ng kahit ano" - sabi niya

"Ahhh.. Wala naman hehe sinisipagan lang ako" - sagot ko


Napalingon naman ako kay Suho


"Pwede ba tayong mag-usap sa labas Leif?" - Suho


"Ahh sige"


"Kasama ka Kris" - sabi niya habang nakatingin kay Kris na nagbabasa sa single couch kaya napatigil siya sa pagbabasa niya habang ako naman ay gulat lang na nakatingin sakanila

Paglabas naming tatlo sa dorm ay hindi ko kaagad magawang magtanong kay Junmyeon kung ano ba pag uusapan namin... Bakit kasi kasama pa siya?!

"Pakiramdam mo ba pabigat ka saamin?"

Napaangat ako ng ulo sa sinabi ni Suho at nakatingin nga siya saakin

Paanong... Paano niya nalaman na iyon ang eksaktong iniisip ko?

Dahan dahan na lamang akong tumango at saka yumuko

"Gusto ko lang makatulong. Kahit papaano doon man lang ehh makatulong ako" - mahinang sabi ko

"May problema ba kayo sakanya?"


Tinignan ko ulit si Suho pero ngayon kay Kris naman na siya nakatingin na parang windang pa rin kung anong ginagawa niya dito kasama kami

"Sa EXO M?" - tanong ni Kris

"Wala namang problema" - parang wala lang na sagot niya


Operation: Save the Fallen EXOWhere stories live. Discover now