Door Breaker

81 3 0
                                    

Leif POV

Inilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto

Malawak at may dalawang kama ang nasa gitna at may closet sa may gilid ng silid at maliit na mesa sa pagitan ng dalawang kama

Sa kabilang sulok naman ng silid ay may isa pang mesa at upuan at sa harapan niyon ay may isang salamin

"Dalawa lang kami dito ni Kris. Kaya wag kang mahihiya Leif" - Lay na nakangiti saakin

"Halika. Dito ang kama ko. Dito ka matutulog"

Hinila niya ako papunta sa isang kama at saka siya lumapit kay Kris na nakaupo lang sa kabilang kama

"Ahm, ayos lang ba talagang dito ako matulog?"

Hindi naman sa mahiyain ako, ang kaso. Hindi ako sanay na kasama ko siya sa iisang kwarto!

"Ne! Hindi naman un saamin problema ni Kris, diba?" - sambit niya bago niya tinignan si Kris

Tumingin naman sakanya si Kris bago siya lumingon saakin

Agad akong nag iwas ng tingin sakanya pero napatingin ako ulit sakanya ng tumayo siya at saka pumunta sa harap ng salamin

Bigla naman akong nagulat ng tumabi saakin si Lay

"Hayaan mo na siya. Nahihiya lang siguro"

Napatango tango na lang ako at saka muling lumingon kay Kris na ngayon ay naglalagay ng kung ano sa mukha niya

"Pwede ka bang magkwento tungkol sa sarili mo?"

Bigla naman napaatras ang ulo ko ng paglingon ko kay Lay ay sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko!

"Ah eh, a-ano bang gusto mong ikwento ko?"

"Kahit ano, tulad ng ilang taon kana, kung nag aaral ka pa, ang pamilya mo, hilig mo basta tungkol sayo"

Mangangalay ata ako sa pwesto kong to

Sanay ba talaga siyang sobrang lapit ng mukha niya sa kausap niya kapag nagsasalita siya??

"Ahh 24 years old na ako, sa panahon na pinanggalingan ko. Estudyante ako doon. Nursing student"

"Nurse ka? Cool. How about your family?"

"Si mama, sa bahay lang siya samantalang si papa naman nagtatrabaho sa isang kompanya. At wala akong kapatid. Nag iisang anak lang ako nila mama at papa"

"Siguro namimiss mo na sila"

Napaisip naman ako sa sinabi niya

Ano na kayang ginagawa ngayon nila mama?

Sa sinabi saakin ni Goddess Amani, habang narito ako sa panahon na to ay hindi rin nagbago ang buhay ko sa Pilipinas sa panahon rin na to

"Talaga bang galing ka sa hinaharap?"

Tumango lamang ako sakanya

"Anong taon ka ba galing?"

"2018"

"Wooh! 2018? 4 years mula ngayon. Sikat na sikat na ba kami noon?"

"Kahit ngayon pa lang naman sikat na kayo hindi ba?"

Ngumiti naman siya na nakapagpalabas sa dimples niya

Ang inosente niyang tignan

"Kahit hindi man kami gaanong sumikat pagdating ng panahon na yun. Ayos lang saakin basta magkakasama kaming lahat. Ayos na iyon"

Operation: Save the Fallen EXOWhere stories live. Discover now